Add parallel Print Page Options

16 Ibinukang maluwang ng (A)lahat mong kaaway ang kanilang bibig laban sa iyo:
Sila'y nagsisisutsot at nagsisipagngalit ng ngipin; kanilang sinasabi, Aming nilamon siya;
Tunay na ito ang kaarawan na aming hinihintay; aming nasumpungan, (B)aming nakita.
17 Ginawa ng Panginoon ang (C)kaniyang ipinasiya; kaniyang tinupad ang kaniyang salita na kaniyang iniutos (D)nang mga kaarawan nang una;
Kaniyang ibinagsak, at hindi naawa:
At kaniyang pinapagkatuwa sa iyo ang kaaway; kaniyang pinataas ang (E)sungay ng iyong mga kalaban.

Read full chapter

16 Pinangalat sila ng galit ng Panginoon; sila'y hindi na niya lilingapin pa.
(A)Hindi nila iginagalang ang mga pagkatao ng mga saserdote, hindi nila pinakukundanganan ang mga matanda.
17 Ang aming mga mata ay nangangalumata dahil sa aming paghihintay (B)ng walang kabuluhang tulong:
Sa aming paghihintay ay nangaghihintay kami sa isang (C)bansa na hindi makapagligtas.

Read full chapter