Add parallel Print Page Options

Aking anak, salita ko sana ay ingatan,
    itanim sa isip at huwag kalimutan.
Ang utos ko ay sundin mo upang mabuhay nang matagal,
    turo ko'y pahalagahan tulad ng iyong mga mata.
Ito'y itali mo sa iyong mga kamay,
    at sikapin mong matanim sa iyong isipan.
Ang karunungan ay ituring mo na babaing kapatid,
    at ang pang-unawa nama'y kaibigang matalik.
Pagkat ito ang sa iyo'y maglalayo sa babaing mapangalunya,
    nang di ka mabighani ng matamis niyang pananalita.

Ang Babaing Mapangalunya

Ako ay dumungaw sa bintanang bukás,
    at ako'y sumilip sa pagitan ng rehas,
ang aking nakita'y maraming kabataan,
    ngunit may napansin akong isang mangmang.
Naglalakad siya sa may panulukan,
    ang tinutungo'y sa babaing tahanan.
Tuwing sasapit ang gabi, ito'y kanyang ginagawa,
    sa lalim ng hatinggabi, kapag tulog na ang madla.

10 Ang babae ang sa kanya'y sumalubong sa pintuan,
    mapang-akit, mapanlinlang sa masagwang kasuotan.
11 Maingay ang kanyang boses, kilos niya ay maharot,
    di matigil sa tahanan, di mapigil sa paglibot.
12 Ngayo'y sa lansangan, maya-maya'y sa liwasan,
    walang anu-ano'y sa panulukan, doon siya nag-aabang.
13 Lalaki'y kanyang susunggaban at pupupugin ng halik,
    at ang kanyang sasabihing punung-puno ng pang-akit:
14 “Nasa amin ngayon ang marami kong mga handog,
    katatapos ko lang tupdin ang panata ko sa Diyos.
15 Ako ay narito upang ika'y salubungin,
    mabuti't nakita kita pagkatapos kong hanapin.
16 Ang aking higaa'y sinapnan ko nang makapal,
    linong buhat sa Egipto, iba't iba pa ang kulay.
17 Ito'y aking winisikan ng pabangong mira,
    bukod pa sa aloe at mabangong kanela.
18 Halika at bigyang daan, damdamin ng isa't isa,
    ang magdamag ay ubusin sa paglasap ng ligaya.
19 Ako ay nag-iisa, asawa ko'y nasa malayo,
    pagkat siya ay umalis sa ibang lugar nagtungo.
20 Marami ang baon niyang salapi,
    pagbilog pa ng buwan ang kanyang uwi.”

21 Sa salitang mapang-akit ang lalaki ay nahimok,
    sa matamis na salita, damdamin niya ay nahulog.
22 Maamo siyang sumunod sa babae at pumasok,
    parang bakang kakatayin, sa matador ay sumunod,
mailap na usa, sa patibong ay nahulog,
23     hanggang sa puso nito ang palaso ay maglagos.
Isang ibong napasok sa lambat ang kanyang nakakatulad,
    hindi niya namalayang buhay pala ang katumbas.

24 Kaya nga ba, aking anak, sa akin ay makinig,
    at dinggin mo ang salitang mula sa aking bibig.
25 Huwag mo ngang hahayaang ang puso mo ay maakit,
    ng babaing ang tuntunin ay landasing nakalihis,
26 sapagkat marami na ang kanyang naipahamak,
    at hindi na mabibilang, nabuwal sa kanyang yapak.
27 Sa bahay niya'y nagmumula ang landas ng kasawian,
    tiyak na patungo sa malagim na kamatayan.

'Kawikaan 7 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Ang kamangmangan ng pakikitungo sa nais ng masamang babae.

(A)Anak ko ingatan mo ang aking mga salita,
At impukin mo sa iyo ang aking mga utos.
(B)Ingatan mo ang aking mga utos at mabuhay ka;
At ang aking kautusan na parang (C)itim ng iyong mata.
(D)Itali mo sa iyong mga daliri;
Ikintal mo sa iyong puso.
Sabihin mo sa karunungan, Ikaw ay (E)aking kapatid na babae;
At tawagin mong iyong kamaganak na babae ang unawa:
(F)Upang kanilang maingatan ka sa babaing masama;
Sa babaing di kilala na nagtatabil ng kaniyang mga salita.
Sapagka't sa dungawan ng aking bahay
Tumitingin ako sa aking solihia;
At ako'y tumingin sa mga musmos,
Ako'y nagmasid sa mga may kabataan,
Sa may kabataang (G)walang bait,
Na dumaraan sa lansangan na malapit sa kaniyang sulok,
At siya'y yumaon sa daan na patungo sa kaniyang bahay;
[a]Sa pagtatakip silim, sa kinagabihan ng araw,
Sa kalahatian ng gabi, at sa kadiliman.
10 At, narito, doo'y nasalubong niya ang isang babae
Na nakagayak ng tila isang patutot, at tuso sa puso.
11 (H)Siya'y madaldal at matigas ang ulo;
(I)Ang kaniyang mga paa ay hindi nagsisitahan sa kaniyang bahay:
12 Ngayo'y nasa mga lansangan siya, mamaya'y nasa mga luwal na dako siya,
At nagaabang sa bawa't sulok,
13 Sa gayo'y hinahawakan niya siya at hinahagkan siya,
At may mukhang walang hiya na nagsasabi siya sa kaniya:
14 Mga hain na mga handog tungkol sa kapayapaan ay sa akin;
Sa araw na ito ay tinupad ko ang aking mga panata.
15 Kaya't lumabas ako upang salubungin ka,
Hinanap kong masikap ang iyong mukha, at nasumpungan kita.
16 Aking inilatag ang aking higaan na may mga coltsong may burda,
Na yari sa (J)guhitguhit na kayong lana sa Egipto.
17 At aking pinabanguhan ang aking higaan
Ng mira, mga oleo, at sinamomo.
18 Parito ka, tayo'y magpakasiya sa pagsisintahan hanggang sa kinaumagahan;
Magpakasaya tayo sa mga pagsisintahan.
19 Sapagka't ang lalake ay wala sa bahay,
Siya'y naglakbay sa malayo
20 Siya'y nagdala ng supot ng salapi;
Siya'y uuwi sa bahay sa kabilugan ng buwan.
21 Kaniyang pinasusuko siya ng karamihan (K)ng kaniyang mga matamis na salita,
Hinihila niya siya (L)ng katabilan ng kaniyang mga labi.
22 Pagdaka ay sumusunod siya sa kaniya,
Gaya ng toro na naparoroon sa patayan,
O gaya ng sa mga tanikala sa sawayan sa mangmang;
23 Hanggang sa lagpasan ng isang palaso ang kaniyang atay;
Gaya (M)ng ibong nagmamadali sa bitag,
At hindi nakakaalam na yao'y sa kaniyang buhay.
24 Ngayon nga, mga anak ko, dinggin ninyo ako,
At makinig kayo ng mga salita ng aking bibig.
25 Huwag humilig ang iyong puso sa kaniyang mga lakad,
Huwag kang lumiko sa kaniyang mga landas.
26 Sapagka't kaniyang inihiga ang maraming may sugat:
Oo, lahat niyang pinatay ay (N)isang makapangyarihang hukbo.
27 Ang kaniyang bahay ay (O)daang patungo sa Sheol.
Pababa sa mga (P)silid ng kamatayan.

Footnotes

  1. Mga Kawikaan 7:9 Job 24:15.