Add parallel Print Page Options

Ang mga Kawikaan ni Agur

30 Mga kawikaan ni Agur na anak ni Jakeh ng Massa. Ito ang sinabi niya kina Itiel at Ucal:

“Ang Diyos ay malayo sa akin, wala akong magagawa.
Ako ay mangmang, alangang maging tao.
    Wala akong karunungan, hindi ako matalino.
Di ako nakapag-aral, kaya ako ay mangmang,
    walang karunungan, walang alam sa Maykapal.
Sino ang dalubhasa tungkol sa kalangitan?
    Sino ang nakapigil ng hangin sa kanyang palad?
Sino ang nakapagbalot ng tubig sa isang damit?
    Sino ang naglagay ng mga hangganan sa daigdig?
Sino siya? Sino ang kanyang anak?

“Ang lahat ng salita ng Diyos ay mapananaligan at siya ang kanlungan ng mga nananalig sa kanya. Huwag mong daragdagan ang kanyang salita sapagkat pagsasabihan ka niya bilang isang sinungaling.”

Karagdagang Kawikaan

Diyos ko, may hihilingin akong dalawang bagay bago ako mamatay: Huwag akong hayaang maging sinungaling. Huwag mo akong payamanin o paghirapin. Sapat na pagkain lamang ang ibigay mo sa akin. Baka kung managana ako ay masabi kong hindi na kita kailangan. Baka naman kung maghirap ako'y matutong magnakaw, at pangalan mo'y malapastangan.

10 Ang alipin ay huwag mong sisiraan sa kanyang amo,
    baka isumpa ka niya't pagbayarin sa ginawa mo.
11 May mga taong naninira sa kanilang ama,
    masama ang sinasabi tungkol sa kanilang ina.
12 May mga taong nagmamalinis sa sarili,
    ngunit ang totoo'y walang kasindumi.
13 May mga taong masyadong palalo, ang akala nila'y kung sino na sila.
14 May mga tao namang masyadong masakim,
    pati mahihirap, kanilang sinisiil.

15 Ang linta ay may dalawang anak, “Bigyan mo ako, bigyan mo ako,” ang lagi nilang hiling.

May apat na bagay na kailanma'y di masiyahan:

16 Ang libingan,
ang babaing walang anak,
ang lupang tuyo na laging nais matigmak,
at ang apoy na naglalagablab.

17 Ang anak na kumukutya sa kanyang ama at laging sumusuway sa salita ng ina, tutukain ng uwak ang kanilang mata at kakainin ng buwitre ang kanilang bangkay.

18 May apat na bagay na di ko maunawaan:

19 Ang(A) paglipad ng agila sa kalangitan,

ang paggapang ng ahas sa ibabaw ng batuhan,
ang paglalayag ng barko sa karagatan,
at ang babae't lalaking nagmamahalan.

20 Ganito naman ang ginagawa ng asawang nagtataksil: makikipagtalik, pagkatapos ay magbibihis saka sasabihing wala siyang ginagawang masama.

21 May apat na bagay na yayanig sa daigdig:

22 Ang aliping naging hari,
ang isang mangmang na sagana sa pagkain,
23 ang babaing masungit na nagkaasawa,
at ang isang aliping babaing pumalit sa kanyang amo.

24 Sa daigdig ay may apat na maliliit na hayop ngunit may pambihirang kaisipan.

25 Ang mga langgam: sila ay mahina subalit nag-iipon
    ng pagkain kung tag-araw.
26 Ang mga kuneho: mahihina rin sila subalit nakagagawa
    ng kanilang tirahan sa batuhan.
27 Ang mga balang: bagama't walang haring sumusubaybay
    ay lumalakad nang maayos at buong inam.
28 Ang mga butiki:[a] maaaring hawakan sa iyong palad dahil sa kaliitan,
    subalit nasa palasyo ng hari at doon naninirahan.

29 May apat na bagay na kasiya-siyang pagmasdan sa kanilang paglakad:

30 Ang leon, pinakamatapang na hayop at kahit kanino ay di natatakot.
31 Ang tandang na magilas, ang kambing na mabulas,
    at ang hari sa harap ng bayan.

32 Kung sa kahangalan mo'y naging palalo ka at nagbalak ng masama, mag-isip-isip ka. 33 Batihin mo ang gatas at may mantekilya ka; suntukin mo ang ilong ng iyong kapwa at dudugo nang sagana; guluhin mo ang iba at mapapaaway ka.

Footnotes

  1. 28 butiki: Sa ibang manuskrito'y gagamba .
'Kawikaan 30 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Iba't ibang palagay tungkol sa mga tao at mga bagay.

30 Ang mga salita ni Agur na anak ni Jache; (A)ang sanggunian.
Sinabi ng lalake kay Ithiel, kay Ithiel, at kay Ucal:
(B)Tunay na ako'y hangal kay sa kaninoman,
At walang kaunawaan ng isang tao:
At hindi ako natuto ng karunungan,
Ni mayroon man ako ng kaalaman ng Banal.
(C)Sino ang sumampa sa langit, at bumaba?
(D)Sino ang pumisan ng hangin sa kaniyang mga dakot?
Sinong nagtali ng tubig sa kaniyang kasuutan?
Sinong nagtatag ng lahat ng mga wakas ng lupa?
Ano ang kaniyang pangalan, at ano ang pangalan ng kaniyang anak kung iyong nalalaman?
(E)Bawa't salita ng Dios ay subok:
(F)Siya'y kalasag sa kanila, na nanganganlong sa kaniya.
(G)Huwag kang magdagdag sa kaniyang mga salita,
Baka kaniyang sawayin ka, at masunduan kang sinungaling.
Dalawang bagay ang hiniling ko sa iyo;
Huwag mong ipagkait sa akin bago ako mamatay.
Ilayo mo sa akin ang walang kabuluhan at ang mga kasinungalingan:
Huwag mo akong bigyan ng kahit karalitaan o kayamanan man;
(H)Pakanin mo ako ng pagkain na kailangan ko:
(I)Baka ako'y mabusog, at magkaila sa iyo, at magsabi, Sino ang Panginoon?
O baka ako'y maging dukha, at magnakaw ako,
At gumamit ng paglapastangan sa pangalan ng aking Dios.
10 Huwag mong pawikaan ang alipin sa kaniyang panginoon,
Baka ka tungayawin niya, at ikaw ay maging salarin.
11 May lahi na tumutungayaw sa kanilang ama.
At hindi pinagpapala ang kanilang ina.
12 May lahi na (J)malinis sa harap ng kanilang sariling mga mata,
At gayon man ay hindi hugas sa kanilang karumihan.
13 May lahi, Oh pagka (K)mapagmataas ng kanilang mga mata!
At ang kanilang mga talukap-mata ay nangakataas.
14 (L)May lahi na ang mga ngipin ay parang mga tabak, at ang kanilang mga bagang ay parang mga sundang,
Upang lamunin ang dukha mula sa lupa, at ang mapagkailangan sa gitna ng mga tao.
15 Ang linga ay may dalawang anak, na sumisigaw, Bigyan mo, bigyan mo.
May tatlong bagay na kailan man ay hindi nasisiyahan,
Oo, apat na hindi nagsasabi, Siya na:
16 (M)Ang Sheol; at ang baog na bahay-bata;
Ang lupa na hindi napapatiranguhaw ng tubig;
At ang apoy na hindi nagsasabi, Siya na.
17 (N)Ang mata na tumutuya sa kaniyang ama, At humahamak ng pagsunod sa kaniyang ina,
Tutukain ito ng mga uwak sa libis,
At kakanin ito ng mga inakay na aguila.
18 May tatlong bagay na totoong kagilagilalas sa akin,
Oo, apat na hindi ko nalalaman:
19 Ang lipad ng aguila sa hangin;
Ang usad ng ahas sa ibabaw ng mga bato;
Ang lutang ng sasakyan sa gitna ng dagat;
At ang lakad ng lalake na kasama ng isang dalaga.
20 Gayon ang lakad ng mangangalunyang babae;
Siya'y kumakain, at nagpapahid ng kaniyang bibig,
At nagsasabi, Hindi ako gumawa ng kasamaan.
21 Sa tatlong bagay ay nanginginig ang lupa,
At sa apat na hindi niya madala:
22 (O)Sa isang alipin, pagka naghahari;
At sa isang mangmang, pagka nabubusog ng pagkain;
23 Sa isang babaing nakayayamot, pagka nagaasawa;
At sa isang aliping babae, na nagmamana sa kaniyang panginoong babae.
24 May apat na bagay na maliit sa lupa,
Nguni't lubhang mga pantas:
25 (P)Ang mga langgam ay bayang hindi matibay,
Gayon ma'y nagiimbak ng kanilang pagkain sa taginit;
26 (Q)Ang mga koneho ay hayop na mahina,
Gayon ma'y nagsisigawa sila ng kanilang mga bahay sa malalaking bato;
27 Ang mga balang ay walang hari,
Gayon ma'y lumalabas silang lahat na pulupulutong;
28 Ang butiki ay tumatangan ng kaniyang mga kamay,
Gayon ma'y nasa mga bahay ng mga hari siya.
29 May tatlong bagay na maganda sa kanilang lakad,
Oo, apat na mainam sa lakad:
30 Ang leon na pinaka matapang sa mga hayop,
At hindi humihiwalay ng dahil sa kanino man;
31 Ang asong matulin; ang kambing na lalake rin naman:
At ang hari na hindi malalabanan.
32 Kung ikaw ay gumagawa ng kamangmangan sa pagmamataas,
O kung ikaw ay umisip ng kasamaan,
(R)Ilagay mo ang iyong kamay sa iyong bibig.
33 Sapagka't sa pagbati sa gatas ay naglalabas ng mantekilya,
At sa pagsungalngal sa ilong ay lumalabas ang dugo:
Gayon ang pamumungkahi sa poot ay naglalabas ng kaalitan.