Add parallel Print Page Options

Mga kawikaang nagkakalaban.

28 (A)Ang masama ay tumatakas ng walang taong humahabol:
Nguni't ang matuwid ay matapang na parang leon.
Dahil sa pagsalangsang ng lupain ay marami ang kaniyang mga pangulo:
Nguni't sa naguunawa at matalino ay malalaon ang kalagayan niya.
(B)Ang mapagkailangan na pumipighati sa dukha
Ay parang bugso ng ulan na hindi nagiiwan ng pagkain.
(C)Silang nangagpapabaya sa kautusan ay nagsisipuri sa masama:
(D)Nguni't ang nangagiingat ng kautusan ay nangakikipagkaalit sa kanila.
(E)Ang masasamang tao ay hindi nangakakaunawa ng kahatulan:
Nguni't (F)silang nagsisihanap sa Panginoon ay nangakakaunawa sa lahat ng mga bagay.
(G)Maigi ang dukha na lumalakad sa kaniyang pagtatapat,
Kay sa suwail sa kaniyang mga lakad, bagaman siya'y mayaman.
(H)Sinomang nagiingat ng kautusan ay pantas na anak:
Nguni't siyang kasama ng mga matakaw ay nagbibigay kahihiyan sa kaniyang ama.
(I)Ang nagpapalago ng kaniyang yaman sa tubo at pakinabang,
Ay pumipisan sa ganang may awa sa dukha.
(J)Siyang naglalayo ng kaniyang pakinig sa pakikinig ng kautusan,
Maging (K)ang kaniyang dalangin ay karumaldumal.
10 (L)Sinomang nagliligaw sa matuwid sa masamang daan,
Siya'y mahuhulog sa kaniyang sariling lungaw:
(M)Nguni't ang sakdal ay magmamana ng mabuti.
11 Ang mayaman ay pantas sa ganang kaniyang sarili;
Nguni't ang dukha na naguunawa ay sumisiyasat.
12 (N)Pagka ang matuwid ay nagtatagumpay, may dakilang kaluwalhatian:
(O)Nguni't pagka ang masama ay bumabangon, nagsisipagtago ang mga tao.
13 (P)Siyang nagtatakip ng kaniyang mga pagsalangsang ay hindi giginhawa:
Nguni't ang nagpapahayag at nagiiwan ng mga yaon ay magtatamo ng kaawaan.
14 Masaya ang tao na natatakot na lagi:
Nguni't siyang nagmamatigas ng kaniyang kalooban ay mahuhulog sa kahirapan.
15 Kung paano ang umuungal na (Q)leon at ang gutom na oso,
Gayon (R)ang masamang pinuno sa maralitang bayan.
16 Ang pangulo na kulang sa paguunawa ay lubhang mamimighati rin:
Nguni't siyang nagtatanim sa kasakiman ay dadami ang kaniyang mga kaarawan.
17 (S)Ang tao na nagpapasan ng dugo ng sinomang tao,
Tatakas sa lungaw; huwag siyang pigilin ng sinoman.
18 (T)Ang lumalakad ng matuwid ay maliligtas:
Nguni't siyang masama sa kaniyang mga lakad ay mabubuwal na bigla.
19 (U)Siyang bumubukid ng kaniyang lupain ay magkakaroon ng saganang tinapay:
Nguni't siyang sumusunod sa mga walang kabuluhang tao ay madudukhang mainam.
20 Ang tapat na tao ay mananagana sa pagpapala:
(V)Nguni't siyang nagmamadali sa pagyaman ay walang pagsalang parurusahan.
21 (W)Magkaroon ng pagtatangi sa mga pagkatao ay hindi mabuti:
Ni hindi man sasalangsang ang tao (X)dahil sa isang putol na tinapay.
22 Siyang may masamang mata ay nagmamadali sa pagyaman,
At hindi nakakaalam, na kasalatan ay darating sa kaniya.
23 (Y)Siyang sumasaway sa isang tao ay makakasumpong sa ibang araw ng higit na lingap
Kay sa doon sa kunwa'y pumupuri ng dila.
24 Ang nagnanakaw sa kaniyang ama o sa kaniyang ina, at nagsasabi, Hindi ito pagsalangsang;
Yao'y kasama rin ng maninira.
25 (Z)Siyang may sakim na diwa ay humihila ng kaalitan:
Nguni't siyang naglalagak ng kaniyang tiwala sa Panginoon ay (AA)tataba.
26 Siyang tumitiwala sa kaniyang sariling puso ay mangmang:
Nguni't ang lumakad na may kapantasan, ay maliligtas.
27 (AB)Siyang nagbibigay sa dukha ay hindi masasalat:
Nguni't siyang nagkukubli ng kaniyang mga mata ay magkakaroon ng maraming sumpa.
28 Pagka ang masama ay bumabangon, (AC)nagsisipagkubli ang mga tao;
Nguni't pagka sila'y nangamamatay, dumadami ang matuwid.

'Kawikaan 28 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

28 Ang masama ay tumatakas gayong wala namang humahabol;
    ngunit ang mga matuwid ay matatapang na parang leon.
Kapag ang lupain ay naghihimagsik,
    marami ang kanyang mga pinuno;
ngunit kapag ang pinuno ay may unawa at kaalaman,
    magpapatuloy ang katatagan nito.
Ang dukha na umaapi sa dukha,
    ay bugso ng ulan na walang pagkaing iniiwan.
Silang nagpapabaya sa kautusan ay nagpupuri sa masama;
    ngunit ang nag-iingat ng kautusan ay nakipaglaban sa kanila.
Ang masasamang tao ay hindi nakakaunawa ng katarungan,
    ngunit silang nagsisihanap sa Panginoon ay nakakaunawa nito nang lubusan.
Mas mabuti ang dukha na lumalakad sa kanyang katapatan,
    kaysa taong mayaman na liko sa kanyang mga daan.
Matalinong anak ang tumutupad sa kautusan,
    ngunit ang kasama ng matatakaw, sa kanyang ama ay kahihiyan.
Ang nagpapalago ng kanyang yaman sa pamamagitan ng labis na patubo,
    ay nagtitipon para sa iba na mabait sa dukha.
Ang naglalayo ng kanyang pandinig sa pakikinig ng kautusan,
    maging ang kanyang panalangin ay karumaldumal.
10 Sinumang nagliligaw sa matuwid tungo sa masamang daan,
    ay siya ring mahuhulog sa kanyang sariling hukay;
    ngunit ang sakdal ay magmamana ng kabutihan.
11 Ang mayamang tao ay marunong sa ganang kanyang sarili,
    ngunit ang dukha na may unawa ay nagsusuri.
12 Kapag ang matuwid ay nagtatagumpay, may dakilang kaluwalhatian;
    ngunit kapag ang masama ay bumabangon, ang mga tao'y nagkukublihan.
13 Siyang nagtatakip ng kanyang mga pagsuway ay hindi sasagana,
    ngunit ang nagpapahayag at tumatalikod sa mga iyon ay magtatamo ng awa.
14 Mapalad ang tao na sa Panginoon ay natatakot tuwina,
    ngunit siyang nagmamatigas ng kanyang puso ay mahuhulog sa sakuna.
15 Tulad ng umuungal na leon at ng osong sumasalakay,
    gayon ang masamang pinuno sa maralitang bayan.
16 Ang pinunong kulang sa pang-unawa ay isang malupit na manlulupig,
    ngunit siyang namumuhi sa kasakiman, kanyang mga araw ay lalawig.
17 Kung ang isang tao'y nagpapasan ng dugo ng sinuman,
    hayaan siyang maging takas hanggang kamatayan;
    huwag siyang tulungan ng sinuman.
18 Maliligtas ang lumalakad sa katapatan,
    ngunit ang baluktot sa kanyang mga lakad ay mahuhulog sa hukay.
19 Siyang nagbubungkal ng kanyang lupain ay magkakaroon ng saganang tinapay;
    ngunit siyang sumusunod sa mga walang kabuluhang gawa ay maghihirap nang lubusan.
20 Ang taong tapat ay sasagana sa pagpapala;
    ngunit siyang nagmamadali sa pagyaman ay tiyak na parurusahan.
21 Hindi mabuti ang may kinikilingan;
    ngunit gagawa ng masama ang isang tao dahil sa isang pirasong tinapay.
22 Ang kuripot ay nagmamadali sa pagyaman,
    at hindi nalalaman na darating sa kanya ang kasalatan.
23 Siyang sumasaway sa isang tao ay makakasumpong sa ibang araw ng higit na pagpapala,
    kaysa sa taong kunwari'y pumupuri sa pamamagitan ng dila.
24 Ang nagnanakaw sa kanyang ama o sa kanyang ina,
    at nagsasabi, “Hindi ito masama,”
    ay kasamahan ng maninira.
25 Nag-uudyok ng away ang taong sakim,
    ngunit ang nagtitiwala sa Panginoon ay payayamanin.
26 Siyang nagtitiwala sa kanyang sariling puso ay hangal;
    ngunit maliligtas ang lumalakad na may katalinuhan.
27 Siyang nagbibigay sa dukha ay hindi kakapusin,
    ngunit siyang nagkukubli ng kanyang mga mata, sa sumpa'y pararamihin.
28 Kapag ang masama ay bumabangon, ang mga tao'y nagkukubli,
    ngunit kapag sila'y namatay, ang matuwid ay dumarami.