Add parallel Print Page Options

21 Hawak ni Yahweh ang isip ng isang hari
    at naibabaling niya ito kung saan igawi.
Ang akala ng tao lahat ng kilos niya'y wasto,
    ngunit si Yahweh lang ang nakakasaliksik ng puso.
Higit na kalugud-lugod kay Yahweh kaysa mga handog
    ang mga gawang makatuwiran at makatarungan.
Ugaling mapangmata at pusong mapagyabang,
    ito ang siyang gabay ng mga makasalanan.
Ang mabuting pagbabalak ay pinapakinabangan,
    ngunit ang dalus-dalos na paggawa'y walang kahihinatnan.
Ang pagkakamal ng salapi dahil sa kadayaan
    ay maghahatid sa maagang kamatayan.
Ang masama'y ipinapahamak ng sariling karahasan,
    pagkat ayaw gawin ang talagang katuwiran.
Ang landas ng may sala ay paliku-liko,
    ngunit ang lakad ng matuwid ay laging wasto.
Masarap(A) pa ang tumira sa bubungan ng bahay
    kaysa sa loob ng bahay na ang kasama'y asawang madaldal.
10 Ang isip ng masama'y lagi sa kalikuan,
    kahit na kanino'y walang pakundangan.
11 Parusahan mo ang mangungutya at matututo ang mangmang,
    pagsabihan mo ang matino, lalong lalawak ang kanyang kaalaman.
12 Alam ng Diyos ang nangyayari sa loob ng bahay ng masama,
    at siya'y gumagawa ng paraan upang sila'y mapariwara.
13 Ang hindi pumapansin sa daing ng mahirap,
    daraing din balang araw ngunit walang lilingap.
14 Kung ang kapwa mo ay may hinanakit,
    regaluhan mo nang palihim, mawawala ang galit.
15 Kapag umiiral ang katarungan, natutuwa ang matuwid,
    ngunit nalulungkot ang masama at may likong pag-iisip.
16 Ang lumilihis sa daan ng kaalaman
    ay hahantong sa kamatayan.
17 Ang taong maluho at mahilig sa alak ay di yayaman,
    bagkus sa hirap siya'y masasadlak.
18 Ang masamang balak sa taong matuwid
    ay babalik sa liko ang pag-iisip.
19 Mas mabuti ang mag-isang manirahan sa ilang
    kaysa makisama sa asawang madaldal at palaaway.
20 Ang bahay ng matalino'y napupuno ng kayamanan,
    ngunit lahat ay winawaldas ng taong mangmang.
21 Ang lumalakad sa daan ng katuwiran at katapatan
    ay nagkakamit ng buhay at karangalan.
22 Ang matalinong pinuno ay makakapasok sa lunsod na may mga bantay,
    at kanyang maiguguho ang inaasahan nilang muog na matibay.
23 Ang pumipigil sa kanyang dila
    ay umiiwas sa masama.
24 Ang taong makasarili ay palalo at mapang-api.
25 Gutom ang papatay sa taong batugan,
    pagkat ayaw niyang ikilos ang kanyang mga kamay.
26 Ang taong tamad ay nanghihingi araw-araw,
    ngunit ang matuwid ay di nagsasawa ng kabibigay.
27 Ang(B) handog ng masama ay kasuklam-suklam sa Diyos,
    lalo't ang layunin nito ay di kalugud-lugod.
28 Ang patotoo ng sinungaling ay di papakinggan,
    ngunit ang salita ng tapat ay pahahalagahan.
29 Alam ng matuwid ang kanyang hinaharap,
    di tulad ng masama, nagkukunwa, nagpapanggap.
30 Ang kaalaman ng tao, unawa o karunungan
    ay di makatutulong kung si Yahweh ay kalaban.
31 Ang kabayo'y naihahanda para sa digmaan,
    ngunit tanging si Yahweh ang nagbibigay ng tagumpay.

'Kawikaan 21 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Iba't ibang palagay tungkol sa buhay at kaugalian.

21 Ang puso ng hari ay nasa kamay ng Panginoon na parang mga batis:
Kumikiling saan man niya ibigin.
(A)Bawa't lakad ng tao ay matuwid sa kaniyang sariling mga mata:
Nguni't tinitimbang ng Panginoon ang mga puso.
(B)Gumawa ng kaganapan at kahatulan
Ay lalong kalugodlugod sa Panginoon kay sa hain.
(C)Ang mapagmataas na tingin, at ang palalong puso,
Siyang ilaw ng masama, ay kasalanan.
Ang mga pagiisip ng masipag ay patungo sa kasaganaan lamang:
Nguni't bawa't nagmamadali ay sa pangangailangan lamang.
(D)Ang pagtatamo ng mga kayamanan sa pamamagitan ng sinungaling na dila
Ay singaw na tinatangay na paroo't parito noong nagsisihanap ng kamatayan.
Ang pangdadahas ng masama ay siya ring papalis sa kanila;
Sapagka't sila'y nagsitangging magsigawa ng kahatulan.
Ang lakad ng nagpapasan ng sala ay lubhang liko;
Nguni't tungkol sa malinis, ang kaniyang gawa ay matuwid.
(E)Lalong maigi ang tumahan sa sulok ng bubungan,
Kay sa palatalong babae sa maluwang na bahay.
10 (F)Ang kaluluwa ng masama ay nagnanasa ng kasamaan:
Ang kaniyang kapuwa ay hindi nakakasumpong ng lingap sa kaniyang mga mata.
11 (G)Pagka ang mangduduwahagi ay pinarusahan, ang musmos ay nagiging pantas:
At pagka ang pantas ay tinuturuan, siya'y tumatanggap ng kaalaman.
12 Pinagninilay ng matuwid ang bahay ng masama,
Kung paanong napapahamak ang masama sa kanilang pagkapariwara.
13 (H)Ang nagtatakip ng kaniyang mga pakinig sa daing ng dukha,
Siya naman ay dadaing, nguni't hindi didinggin.
14 Ang (I)kaloob na lihim ay nagpapatahimik ng galit,
At ang alay sa sinapupunan, ay ng malaking poot.
15 Kagalakan sa matuwid ang gumawa ng kahatulan;
Nguni't kapahamakan sa mga manggagawa ng kasamaan.
16 Ang tao na gumagala sa labas ng daan ng kaunawaan,
(J)Magpapahinga sa kapisanan ng patay.
17 Ang umiibig ng kalayawan ay magiging dukha:
Ang umiibig sa alak at langis ay hindi yayaman.
18 (K)Ang masama ay isang katubusan para sa matuwid,
At ang taksil ay sa lugar ng matuwid.
19 (L)Lalong maigi ang tumahan sa ilang na lupain,
Kay sa makisama sa palatalo at magagaliting babae.
20 May mahalagang kayamanan at langis sa tahanan ng pantas;
Nguni't ito'y sinasakmal ng mangmang.
21 (M)Ang sumusunod sa katuwiran at kagandahang-loob
Nakakasumpong ng buhay, katuwiran, at karangalan.
22 Sinasampa ng pantas ang (N)bayan ng makapangyarihan,
At ibinabagsak ang lakas ng pagkakatiwala niyaon.
23 (O)Sinomang nagiingat ng kaniyang bibig at kaniyang dila
Nagiingat ng kaniyang kaluluwa mula sa mga kabagabagan.
24 Ang palalo at mapagmataas na tao, manglilibak ang kaniyang pangalan,
Siya'y gumagawa sa kahambugan ng kapalaluan.
25 (P)Ang nasa ng tamad ay pumapatay sa kaniya;
Sapagka't tumatanggi ang kaniyang mga kamay sa paggawa.
26 May nagiimbot sa kasakiman buong araw:
Nguni't ang (Q)matuwid ay nagbibigay at hindi nagkakait.
27 Ang hain ng masama ay karumaldumal:
Gaano pa nga, pagka kaniyang dinadala na may masamang isip!
28 Ang sinungaling na saksi ay mamamatay:
Nguni't ang taong nakikinig ay magsasalita upang mamalagi.
29 Ang masamang tao ay nagmamatigas ng kaniyang mukha;
Nguni't tungkol sa taong matuwid, nagaayos ng kaniyang mga lakad.
30 (R)Walang karunungan, o kaunawaan man,
O payo man laban sa Panginoon.
31 (S)Ang kabayo ay handa laban sa kaarawan ng pagbabaka:
Nguni't ang pagtatagumpay ay sa Panginoon.