Add parallel Print Page Options

13 Ang turo ng ama'y dinirinig ng matalinong anak,
    ngunit hindi nakikinig sa saway ang manlilibak.
Ang tao mula sa bunga ng kanyang bibig ay kakain ng kabutihan,
    ngunit ang pagnanasa ng mandaraya ay karahasan.
Ang nag-iingat ng kanyang bibig ay nag-iingat ng kanyang buhay;
    ngunit ang nagbubuka nang maluwang ng kanyang mga labi ay hahantong sa kapahamakan.
Ang kaluluwa ng tamad ay nagnanasa at walang nakukuha,
    ngunit ang kaluluwa ng masipag ay tutustusang sagana.
Ang taong matuwid ay namumuhi sa kasinungalingan,
    ngunit ang gawa ng masama ay kahiyahiya at kasuklamsuklam.
Ang may matuwid na lakad ay binabantayan ng katuwiran,
    ngunit ibinabagsak ng pagkakasala ang makasalanan.
May nagkukunwaring mayaman, subalit wala naman,
    may nagpapanggap na dukha, gayunma'y napakayaman.
Ang pantubos sa buhay ng tao ay ang kanyang kayamanan,
    ngunit ang dukha ay walang banta sa kanyang buhay.
Ang ilaw ng matuwid ay natutuwa,
    ngunit ang tanglaw ng masama ay mawawala.
10 Sa kapalaluan, ang suwail ay lumilikha ng gulo,
    ngunit ang karunungan ay nasa mga tumatanggap ng payo.
11 Mauubos ang kayamanang nakuha sa madaling paraan,
    ngunit siyang unti-unting nagtitipon ay madaragdagan.
12 Nagpapasakit ng puso ang pag-asang naaantala,
    ngunit punungkahoy ng buhay ang natupad na nasa.
13 Ang humahamak sa salita, sa sarili'y nagdadala ng kapahamakan,
    ngunit ang gumagalang sa utos ay gagantimpalaan.
14 Ang kautusan ng matalino ay bukal ng buhay,
    upang makaiwas ang tao sa mga bitag ng kamatayan.
15 Ang mabuting pagpapasiya'y nagbubunga ng pagpapala,
    ngunit ang lakad ng di-tapat ang kanilang ikasisira.
16 Sa bawat bagay ang matalinong tao ay gumagawang may kaalaman;
    ngunit ang hangal ay nagkakalat ng kanyang kahangalan.
17 Ang masamang sugo ay naghuhulog sa tao sa kaguluhan,
    ngunit ang tapat na sugo ay may dalang kagalingan.
18 Kahirapan at kahihiyan ang darating sa nagtatakuwil ng pangaral,
    ngunit siyang nakikinig sa saway ay pararangalan.
19 Ang pagnanasang natupad ay matamis sa kaluluwa;
    ngunit kasuklamsuklam sa mga hangal ang humiwalay sa masama.
20 Ang lumalakad na kasama ng matatalino ay magiging matalino rin,
    ngunit ang kasama ng mga hangal, kapahamakan ang daranasin.
21 Ang kasawian ay humahabol sa mga makasalanan,
    ngunit ang matuwid ay ginagantimpalaan ng kasaganaan.
22 Ang mabuting tao ay nag-iiwan ng mana sa mga anak ng kanyang mga anak;
    ngunit ang kayamanan ng makasalanan, para sa matuwid ay nakalagak.
23 Ang binungkal na lupa ng dukha ay maraming pagkaing ibinibigay,
    ngunit naaagaw iyon dahil sa kawalan ng katarungan.
24 Ang hindi gumagamit ng pamalo ay napopoot sa anak niya,
    ngunit ang umiibig sa kanya ay matiyagang dumidisiplina.
25 Ang matuwid ay may sapat upang masiyahan,
    ngunit ang tiyan ng masama ay mangangailangan.

'Kawikaan 13 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Iba't ibang kawikaan. Pinagpaparis ang matuwid at ang masama.

13 Dinidinig ng pantas na anak ang turo ng kaniyang ama:
(A)Nguni't hindi dinidinig ng mangduduwahagi ang saway.
Ang tao ay kakain ng mabuti ayon (B)sa bunga ng kaniyang bibig:
Nguni't ang magdaraya ay kakain ng karahasan,
(C)Siyang nagiingat ng kaniyang bibig, nagiingat ng kaniyang buhay:
Nguni't siyang nagbubukang maluwang ng kaniyang mga labi ay magkakaroon ng kapahamakan.
Ang tamad ay nagnanasa, at walang anoman:
Nguni't ang kaluluwa ng masipag ay tataba.
Ang matuwid ay nagtatanim sa pagsisinungaling:
Nguni't ang masama ay kasuklamsuklam, at napapahiya.
Bumabantay (D)ang katuwiran sa matuwid na lakad;
Nguni't inilulugmok ng kasamaan ang makasalanan.
(E)May nagpapakayaman, gayon ma'y walang anoman:
(F)May nagpapakadukha, gayon ma'y may malaking kayamanan.
Ang katubusan sa buhay ng tao ay siyang kaniyang mga kayamanan:
Nguni't ang dukha ay hindi nakikinig sa banta.
Ang ilaw ng matuwid ay nagagalak:
(G)Nguni't ang ilawan ng masama ay papatayin.
10 Sa kapalaluan, ang dumarating ay pagtatalo lamang:
Nguni't ang karunungan ay nangasa nangaturuang maigi.
11 Ang kayamanang tinangkilik sa walang kabuluhan ay (H)huhupa:
Nguni't siyang nagpipisan sa paggawa ay mararagdagan.
12 Ang pagasa na nagluluwat ay nagpapasakit ng puso:
(I)Nguni't pagka ang nasa ay dumarating ay punong kahoy ng buhay.
13 (J)Sinomang humamak sa salita ay nagdadala ng kapahamakan sa sarili:
Nguni't siyang natatakot sa utos ay gagantihin.
14 (K)Ang kautusan ng pantas ay bukal ng buhay,
Upang lumayo sa mga silo ng kamatayan.
15 Ang mabuting kaunawaan ay nagbibigay lingap:
Nguni't ang lakad ng mananalangsang ay mahirap.
16 Bawa't mabait na tao ay gumagawang may kaalaman:
Nguni't ang mangmang ay nagkakalat ng kamangmangan.
17 Ang masamang sugo ay nahuhulog sa kasamaan:
Nguni't ang tapat na (L)sugo ay kagalingan.
18 Karalitaan at kahihiyan ang tatamuhin ng nagtatakuwil ng saway:
Nguni't (M)siyang nakikinig ng saway ay magkakapuri.
19 Ang nasa na natupad ay matamis sa kaluluwa:
Nguni't kasuklamsuklam sa mga mangmang na humiwalay sa kasamaan.
20 Lumalakad ka na kasama ng mga pantas na tao, at ikaw ay magiging pantas;
Nguni't ang kasama ng mga mangmang ay mapapariwara.
21 (N)Ang kasamaan ay humahabol sa mga makasalanan;
Nguni't ang matuwid ay gagantihan ng mabuti.
22 Ang mabuti ay nagiiwan ng mana sa mga anak ng kaniyang mga anak;
(O)At ang kayamanan ng makasalanan ay nalalagay na ukol sa matuwid.
23 Maraming pagkain ang nasa pagsasaka ng dukha:
Nguni't may napapahamak dahil sa kawalan ng kaganapan.
24 (P)Siyang naguurong ng kaniyang pamalo ay napopoot sa kaniyang anak:
Nguni't siyang umiibig ay nagpaparusang maminsanminsan.
25 (Q)Ang matuwid ay kumakain hanggang sa kabusugan ng kaniyang kaluluwa;
Nguni't ang tiyan ng masama ay mangangailangan.