Add parallel Print Page Options

Tumutol ang Ephraimita.

12 At ang (A)mga lalake ng Ephraim ay nagpipisan at nagdaan sa dakong hilagaan: at sinabi nila kay Jephte, Bakit ka nagpatuloy na lumaban sa mga anak ni Ammon, at hindi mo kami tinawag upang yumaong kasama mo? susunugin ka namin pati ng iyong bahay.

At sinabi ni Jephte sa kanila, Ako at ang aking bayan ay totoong nakipaglaban sa mga anak ni Ammon; at nang tawagan ko kayo ay hindi ninyo ako iniligtas sa kanilang kamay.

At nang makita ko na ako'y hindi ninyo iniligtas ay aking (B)inilagak ang aking buhay sa aking kamay, at ako'y nagdaan laban sa mga anak ni Ammon, at sila'y ibinigay ng Panginoon sa aking kamay: bakit nga inahon ninyo ako sa araw na ito, upang makipaglaban sa akin?

Nang magkagayo'y pinisan ni Jephte ang mga lalake sa Galaad, at nakipaglaban sa Ephraim; at sinaktan ng mga lalake ng Galaad ang Ephraim, sapagka't kanilang sinabi, Kayo'y (C)mga tanan sa Ephraim, kayong mga Galaadita, sa gitna ng Ephraim, at sa gitna ng Manases.

At sinakop ng mga Galaadita ang mga (D)tawiran sa Jordan sa dako ng mga Ephraimita. At nangyari, na pagkasinabi ng mga tanan sa Ephraim na, Paraanin mo ako, ay sinasabi ng mga lalake ng Galaad sa kaniya, Ikaw ba'y Ephraimita? Kung kaniyang sabihin, Hindi;

Ay sinabi nga nila sa kaniya, Sabihin mong (E)Shiboleth; at sinasabi niya, Shiboleth; sapagka't hindi matumpakang sabihing matuwid; kung magkagayo'y kanilang hinuhuli, at pinapatay sa mga tawiran ng Jordan: at nahulog nang panahong yaon sa Ephraim ay apat na pu't dalawang libo.

Ang kamatayan ni Jephte.

At naghukom si Jephte sa Israel na anim na taon. Nang magkagayo'y namatay si Jephte na Galaadita, at inilibing sa isang bayan ng Galaad.

At pagkamatay niya, si Ibzan na taga (F)Beth-lehem ang naghukom sa Israel.

At siya'y nagkaanak ng tatlong pung lalake, at ang tatlong pung anak na babae ay kaniyang ipinadala sa ibang bayan, at tatlong pung anak na babae ay kaniyang ipinasok mula sa ibang bayan para sa kaniyang mga anak na lalake. At naghukom siya sa Israel na pitong taon.

10 At si Ibzan ay namatay, at inilibing sa Beth-lehem.

11 At pagkamatay niya, si Elon na Zabulonita ang naghukom sa Israel; at naghukom siya sa Israel na sangpung taon.

12 At si Elon na Zabulonita ay namatay, at inilibing sa Ajalon sa lupain ng Zabulon.

13 At pagkamatay niya, si Abdon na anak ni Hillel na Piratonita ang naghukom sa Israel.

14 At siya'y nagkaroon ng apat na pung anak at tatlong pung apo na (G)sumasakay sa pitong pung asno: at siya'y naghukom sa Israel na walong taon.

15 At si Abdon na anak ni Hillel na Piratonita ay namatay, at inilibing sa Piraton sa lupain ng Ephraim, sa lupaing (H)maburol ng mga Amalecita.

'Mga Hukom 12 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Tumutol ang Efraimita

12 Ang mga lalaki ng Efraim ay nagtipon at tumawid patungo sa Zafon at sinabi nila kay Jefta, “Bakit ka tumawid upang lumaban sa mga anak ni Ammon, at hindi mo kami tinawag upang sumama sa iyo? Susunugin namin ang iyong bahay na kasama ka.”[a]

Sinabi ni Jefta sa kanila, “Ako at ang aking bayan ay may matinding labanan sa mga anak ni Ammon; at nang tawagan ko kayo ay hindi ninyo ako iniligtas sa kanilang kamay.

Nang makita ko na ako'y hindi ninyo iniligtas ay inilagay ko ang aking buhay sa aking kamay. Ako'y tumawid laban sa mga anak ni Ammon, at sila'y ibinigay ng Panginoon sa aking kamay. Bakit kayo umahon dito sa akin sa araw na ito upang makipaglaban sa akin?”

Nang magkagayo'y tinipon ni Jefta ang mga lalaki sa Gilead, at nakipaglaban sa Efraim. Ginapi ng mga lalaki ng Gilead ang Efraim, sapagkat kanilang sinabi, “Kayo'y mga takas sa Efraim, kayong mga Gileadita, sa gitna ng Efraim, at Manases.”

At sinakop ng mga Gileadita ang mga tawiran sa Jordan sa gitna ng mga Efraimita. At kapag sinabi ng mga takas sa Efraim na, “Paraanin mo ako,” ay sinasabi ng mga lalaki ng Gilead sa kanya, “Ikaw ba'y Efraimita?” Kung kanyang sabihin, “Hindi,”

ay sinasabi nga nila sa kanya, “Sabihin mo ang Shibolet” at sinabi niya, “Sibolet;” sapagkat hindi niya mabigkas ito nang tama. Kaya't kanilang darakpin at papatayin siya sa mga tawiran ng Jordan. At ang napatay nang panahong iyon sa Efraim ay apatnapu't dalawang libo.

Namatay si Jefta

Naghukom si Jefta sa Israel nang anim na taon. Pagkatapos ay namatay si Jefta na Gileadita, at inilibing sa kanyang lunsod sa Gilead.[b]

Pagkatapos niya, si Ibzan na taga-Bethlehem ang naghukom sa Israel.

Siya'y mayroong tatlumpung anak na lalaki, at ang tatlumpung anak na babae ay kanyang pinapag-asawa sa labas ng kanyang angkan, at tatlumpung anak na babae naman ay kanyang ipinasok mula sa labas para sa kanyang mga anak na lalaki. At naghukom siya sa Israel nang pitong taon.

10 Si Ibzan ay namatay at inilibing sa Bethlehem.

11 Pagkatapos niya, si Elon na Zebulonita ay naghukom sa Israel; at naghukom siya sa Israel nang sampung taon.

12 At si Elon na Zebulonita ay namatay, at inilibing sa Aijalon sa lupain ng Zebulon.

13 Pagkatapos niya, si Abdon na anak ni Hillel na Piratonita ay naghukom sa Israel.

14 Siya'y nagkaroon ng apatnapung anak na lalaki at tatlumpung apo na sumasakay sa pitumpung asno, at siya'y naghukom sa Israel nang walong taon.

15 At si Abdon na anak ni Hillel na Piratonita ay namatay, at inilibing sa Piraton sa lupain ng Efraim, sa lupaing maburol ng mga Amalekita.

Footnotes

  1. Mga Hukom 12:1 Sa Hebreo ay sa ibabaw mo .
  2. Mga Hukom 12:7 Sa Hebreo ay sa mga bayan ng Gilead .