Mga Hebreo 4:12
Ang Biblia (1978)
12 Sapagka't (A)ang salita ng Dios ay (B)buhay, at mabisa, at matalas kay sa alin mang tabak na may dalawang talim, at bumabaon hanggang sa paghihiwalay (C)ng kaluluwa at espiritu, ng mga kasukasuan at ng utak, at (D)madaling kumilala ng mga pagiisip at mga haka ng puso.
Read full chapter
Mga Hebreo 4:12
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
12 Sapagkat ang salita ng Diyos ay buháy, mabisa, at higit na matalas kaysa alin mang tabak na may dalawang talim. Tumatagos ito hanggang sa pagitan ng kaluluwa at ng espiritu, hanggang sa mga kasukasuan at utak sa buto; at may kakayahang kumilala ng mga pag-iisip at mga hangarin ng puso.
Read full chapter
Apocalipsis 1:16
Ang Biblia (1978)
16 At sa kaniyang kanang kamay ay may pitong bituin: at sa kaniyang bibig ay lumabas ang isang matalas na tabak na may dalawang talim: at ang kaniyang mukha ay gaya ng araw na sumisikat ng matindi.
Read full chapter
Pahayag 1:16
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
16 Ang kanang kamay niya'y may hawak na pitong bituin, at mula sa kanyang bibig, lumabas ang isang matalas na tabak na dalawa ang talim, at ang mukha niya'y tulad ng araw na matinding sumisikat.
Read full chapter
Apocalipsis 2:12
Ang Biblia (1978)
12 At (A)sa anghel ng iglesia sa (B)Pergamo ay isulat mo:
Ang mga bagay na ito ay sinasabi (C)ng may matalas na tabak na may dalawang talim:
Read full chapter
Pahayag 2:12
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Mensahe para sa Pergamo
12 “At sa anghel ng iglesya sa Pergamo, isulat mo: Ito ang sinasabi niya na may tabak na may dalawang talim na matalas:
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.