Mga Hebreo 10:33-34
Ang Biblia (1978)
33 Na una una ay naging isang katawatawa dahil sa mga pagkasiphayo at gayon din sa mga kahirapan; at sa ikalawa, ay naging kasama niyaong mga inaring gayon.
34 Sapagka't kayo'y nangahabag sa mga may tanikala, at tinanggap ninyo ng buong galak (A)ang pagkaagaw ng inyong pagaari, palibhasa'y inyong nalalamang (B)mayroon kayo sa inyong sarili ng isang pagaaring lalong mabuti at tumatagal.
Read full chapter
Mga Hebreo 10:33-34
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
33 May mga panahong hayagan kayong inaalipusta at inusig; at may mga panahon ding naging kasama kayo ng mga taong pinaranas ng gayon. 34 Sapagkat kinahabagan ninyo ang mga bilanggo, at tinanggap ninyo nang buong galak ang pagkamkam ng inyong mga ari-arian, palibhasa'y alam ninyo na mayroon kayong kayamanang higit na mabuti at magpakailanman.
Read full chapter
Mga Hebreo 10:33-34
Ang Biblia, 2001
33 na kung minsan ay hayagang inilalantad sa pag-alipusta at pag-uusig, at kung minsan ay nagiging mga kabahagi ng mga nagdaranas ng gayon.
34 Sapagkat kayo'y nahabag sa mga bilanggo, at tinanggap ninyo nang buong galak ang pagkasamsam sa inyong mga ari-arian, palibhasa'y inyong nalalamang mayroon kayong isang pag-aaring higit na mabuti at tumatagal.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.