Mga Gawa 7:42-43
Ang Biblia, 2001
42 Ngunit(A) iniwan sila ng Diyos, at sila'y pinabayaang sumamba sa hukbo ng langit, gaya ng nasusulat sa aklat ng mga propeta:
‘Inalayan ba ninyo ako ng mga hayop na pinatay at mga handog,
na apatnapung taon sa ilang, O angkan ni Israel?
43 Dinala ninyo ang tabernakulo ni Moloc,
at ang bituin ng diyos ninyong si Refan,
ang mga larawang ginawa ninyo upang inyong sambahin;
at itatapon ko kayo sa dako pa roon ng Babilonia.’
Mga Gawa 7:42-43
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
42 Ngunit (A) tinalikuran sila ng Diyos, at pinabayaan silang sumamba sa hukbo ng kalawakan.[a] Nasusulat sa aklat ng mga propeta:
‘O, sambahayan ni Israel, sa akin ba kayo nag-alay ng mga hayop na pinatay
at mga handog sa loob ng apatnapung taon sa ilang?
43 Dinala ninyo ang tolda ni Moloc,
at ang bituin ng diyos ninyong si Refan,
ang mga larawang ginawa ninyo upang inyong sambahin;
at itatapon ko kayo sa kabila pa ng Babilonia.’
Footnotes
- Mga Gawa 7:42 Sa Griyego, hukbo ng langit.
Mga Gawa 7:42-43
Ang Biblia (1978)
42 Datapuwa't tumalikod ang Dios, at (A)sila'y pinabayaang magsisamba sa hukbo ng langit; gaya ng nasusulat sa aklat ng mga propeta,
(B)Hinandugan baga ninyo ako ng mga hayop na pinatay at mga hain
Na apat na pung taon sa ilang, Oh angkan ni Israel?
43 At dinala ninyo ang tabernakulo ni (C)Moloc,
At ang bituin ng dios Refan,
Ang mga larawang ginawa ninyo upang inyong sambahin:
At dadalhin ko kayo sa dako pa roon ng Babilonia.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978