Add parallel Print Page Options

Iniibig ni Pablo na sumama siya sa kaniya; at (A)kaniyang kinuha siya at tinuli dahil sa mga Judio na nangasa mga dakong yaon: sapagka't nalalaman ng lahat na ang kaniyang ama'y Griego.

Read full chapter

18 At si Pablo, pagkatapos na makatira na roong maraming araw, ay nagpaalam sa mga kapatid, at buhat doo'y lumayag na patungo sa (A)Siria, at kasama niya si (B)Priscila at si Aquila: na (C)inahit niya ang kaniyang buhok sa (D)Cencrea; sapagka't siya'y may panata.

Read full chapter

23 Gawin mo nga itong sinasabi namin sa iyo: Mayroon kaming apat katao na may panata sa kanilang sarili;

24 Isama mo sila, (A)maglinis kang kasama nila, at pagbayaran mo ang kanilang magugugol, upang (B)sila'y mangagpaahit ng kanilang mga ulo: at maalaman ng lahat na walang katotohanan ang mga bagay na kanilang nabalitaan tungkol sa iyo; kundi ikaw rin naman ay lumalakad ng maayos na tumutupad ng kautusan.

25 Nguni't tungkol sa mga Gentil na nagsisisampalataya, ay sinulatan namin, (C)na pinagpayuhang sila'y magsiilag sa mga inihain sa mga diosdiosan, at sa dugo, at sa binigti, at sa pakikiapid.

26 Nang magkagayo'y isinama ni Pablo ang mga tao, at nang sumunod na araw nang makapaglinis na siyang kasama nila (D)ay pumasok sa templo, na isinasaysay ang katuparan ng mga araw ng paglilinis, hanggang sa ihain ang (E)haing patungkol sa bawa't isa sa kanila.

Read full chapter