Add parallel Print Page Options

22 Na (A)pinatitibay ang mga kaluluwa ng mga alagad, at inaaralan sila na magsipanatili sa pananampalataya, at sa pamamagitan ng maraming mga kapighatian (B)ay kinakailangang magsipasok tayo sa kaharian ng Dios.

Read full chapter

22 habang pinatatatag ang loob ng mga alagad, at pinapayuhang manatiling tapat sa pananampalataya. Sinabi nila, “Daranas tayo ng maraming kapighatian bago tayo makapasok sa kaharian ng Diyos.”

Read full chapter

At ang aming pagasa tungkol sa inyo ay matibay; yamang nalalaman na (A)kung paanong kayo'y mga karamay sa mga sakit, ay gayon din naman kayo sa kaaliwan.

Read full chapter

Matibay ang aming pag-asa tungkol sa inyo, sapagkat alam namin na kung kayo'y karamay namin sa pagdurusa, karamay din namin kayo sa kaaliwang tinatanggap namin.

Read full chapter

20 Ayon sa aking maningas na paghihintay at pagasa, na, (A)sa anoma'y hindi ako mapapahiya, kundi (B)sa buong katapangan, na gaya ng dati, gayon din naman ngayon, ay dadakilain si Cristo sa aking katawan, maging sa pamamagitan ng kabuhayan, o sa pamamagitan ng kamatayan.

Read full chapter

20 Gaya ng aking pinakahihintay at inaasahan, hindi ako mapapahiya sa anumang kadahilanan, kundi sa pagkakaroon ko ng buong katapangan, si Cristo ay dadakilain ngayon, tulad ng dati, sa aking katawan, sa pamamagitan man ng buhay o ng kamatayan.

Read full chapter