Add parallel Print Page Options

22 At dumating ang balita tungkol sa kanila sa mga tainga ng iglesia na nasa Jerusalem: at kanilang sinugo si (A)Bernabe hanggang sa Antioquia:

23 Na, nang siya'y dumating, at makita ang biyaya ng Dios, ay nagalak; (B)at kaniyang inaralan ang lahat, na sa kapasiyahan ng puso ay magsipanatili sa Panginoon:

24 Sapagka't siya'y lalaking mabuti, at puspos ng Espiritu Santo at ng pananampalataya: at maraming tao ang nangaparagdag sa Panginoon.

25 At siya'y naparoon sa (C)Tarso upang hanapin si Saulo;

26 At nang siya'y kaniyang masumpungan ay kaniyang dinala siya sa (D)Antioquia. At nangyari, na sa buong isang taon sila'y nakisama sa iglesia, at nagsipagturo sa maraming tao; at ang mga alagad ay pinasimulang tawaging mga (E)Cristiano, sa Antioquia.

Read full chapter

22 Nabalitaan ito ng iglesya na nasa Jerusalem kaya isinugo nila sa Antioquia si Bernabe. 23 Nang dumating siya roon at makita ang pagpapala ng Diyos, nagalak siya at hinimok ang bawat isa na manatiling tapat sa Panginoon nang buong puso. 24 Sapagkat siya'y mabuting tao, puspos ng Banal na Espiritu at ng pananampalataya, napakaraming tao ang nahikayat na manampalataya sa Panginoon. 25 Pagkatapos ay nagtungo si Bernabe sa Tarso upang hanapin si Saulo. 26 Nang siya'y kanyang matagpuan ay isinama niya ito sa Antioquia. Kaya isang taon silang nagtitipon kasama ng iglesya, at nagturo sa napakaraming tao. Doon sa Antioquia unang tinawag na mga Cristiano ang mga alagad.

Read full chapter