Mga Bilang 35:16-21
Ang Biblia (1978)
16 (A)Nguni't kung kaniyang saktan ang kaniyang kapuwa ng isang kasangkapang bakal, na ano pa't namatay, siya nga'y mamamatay tao; ang mamamatay tao ay walang pagsalang papatayin.
17 At kung kaniyang saktan ng isang batong tangan niya sa kamay na ikamamatay ng isang tao, at namatay nga, mamamatay tao siya: ang mamamatay tao ay walang pagsalang papatayin.
18 O kung kaniyang saktan ng isang almas na kahoy na tangan niya sa kamay na ikamamatay ng tao, at namatay nga, ay mamamatay tao siya: ang mamamatay tao ay walang pagsalang papatayin.
19 Ang manghihiganti sa dugo ay (B)siyang papatay sa pumatay: pagka nasumpungan niya ay kaniyang papatayin.
20 At kung kaniyang itinulak sa kapootan, o kaniyang hinagis na (C)binanta, ano pa't siya'y namatay;
21 O sa pakikipagkaalit ay sinaktan niya ng kaniyang kamay, na ano pa't siya'y namatay: siya na sumakit ay walang pagsalang papatayin; siya'y mamamatay tao: ang manghihiganti sa dugo ay siyang papatay sa pumatay, pagka nasumpungan niya.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978