Add parallel Print Page Options

Ang kasalanan ng Baal-peor at ang katapatan ni Phinees.

25 At ang Israel ay tumahan sa (A)Sittim, at (B)ang bayan ay nagpasimulang magkasala ng pakikiapid sa mga anak na babae ng Moab:

Sapagka't kanilang (C)tinawag ang bayan sa mga (D)hain sa kanilang mga dios; at ang bayan ay kumain at yumukod sa kanilang mga dios.

At ang Israel ay nakilakip sa diosdiosang (E)Baal-peor; at ang galit ng Panginoon ay nagningas laban sa Israel.

At sinabi ng Panginoon kay Moises, (F)Ipagsama mo ang lahat ng pangulo sa bayan at bitayin mo sila sa Panginoon sa harap ng araw, upang ang maningas na (G)galit ng Panginoon ay mapawi sa Israel.

At sinabi ni Moises sa mga (H)hukom sa Israel, (I)Patayin ng bawa't isa sa inyo yaong mga nakilakip sa diosdiosang Baal-peor.

At, narito, isa sa mga anak ni Israel ay naparoon at nagdala sa kaniyang mga kapatid ng isang babaing Madianita sa paningin ni Moises, at sa paningin ng buong kapisanan ng mga anak ni Israel, samantalang sila'y (J)umiiyak sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan.

At nang makita ni (K)Phinees, na anak ni (L)Eleazar, na anak ni Aaron na saserdote, ay tumindig siya sa gitna ng kapisanan, at humawak ng isang sibat sa kaniyang kamay;

At siya'y naparoon sa likod ng lalaking Israelita sa loob ng tolda, at kapuwa niya sinaksak, ang lalaking Israelita at ang babae sa kaniyang tiyan. Sa gayon ang salot ay (M)natigil sa mga anak ni Israel.

At yaong (N)nangamatay sa salot ay dalawang pu't apat na libo.

10 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

11 (O)Pinawi ni Phinees na anak ni Eleazar, na anak ni Aaron na saserdote, ang aking galit sa mga anak ni Israel, sa paraang siya'y (P)nagsikap dahil sa aking pagsisikap sa kanila, na anopa't hindi ko nilipol ang mga anak ni Israel sa aking (Q)sikap.

12 Kaya't sabihin mo, (R)Narito, ako'y nakikipagtipan sa kaniya tungkol sa kapayapaan:

13 At magiging kaniya, at sa kaniyang (S)binhi pagkamatay niya, ang tipan ng (T)pagkasaserdoteng walang hanggan; sapagka't siya'y nagsikap sa kaniyang Dios, at tumubos sa mga anak ni Israel.

14 Ang pangalan nga ng lalaking Israelita na napatay, na pinatay na kalakip ng babaing Madianita ay Zimri na anak ni Salu, na prinsipe sa isang sangbahayan ng mga magulang sa mga Simeonita.

15 At ang pangalan ng babaing Madianita na napatay ay Cozbi, na anak ni (U)Zur; siya'y prinsipe sa bayan ng isang sangbahayan ng mga magulang sa Madian.

16 (V)At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

17 Bagabagin ninyo ang mga Madianita, at inyong saktan sila:

18 Sapagka't kanilang binagabag kayo ng kanilang mga (W)lalang na kanilang ipinangdaya sa inyo sa bagay ng (X)Peor, at sa bagay ni Cozbi, na anak na babae ng prinsipe sa Madian, na kanilang kapatid na namatay nang kaarawan ng salot dahil sa Peor.

'Mga Bilang 25 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Sinamba si Baal-peor

25 Samantalang ang Israel ay naninirahan sa Shittim, ang taong-bayan ay nagpasimulang makiapid sa mga anak na babae ng Moab.

Sapagkat inanyayahan ng mga ito ang taong-bayan sa mga paghahandog sa kanilang mga diyos; at ang bayan ay kumain at yumukod sa mga diyos ng Moab.

Ang Israel ay nakipag-isa sa Baal ng Peor; at ang galit ng Panginoon ay nagningas laban sa Israel.

Kaya't sinabi ng Panginoon kay Moises, “Isama mo ang lahat ng pinuno sa bayan at bitayin mo sila sa harap ng araw sa harap ng Panginoon, upang ang matinding galit ng Panginoon ay mapawi sa Israel.

Sinabi ni Moises sa mga hukom sa Israel, “Patayin ng bawat isa sa inyo ang mga taong nakipag-isa sa Baal ng Peor.”

At dumating ang isa sa mga anak ni Israel at nagdala sa kanyang mga kapatid ng isang babaing Midianita sa paningin ni Moises at ng buong kapulungan ng mga anak ni Israel, habang sila'y umiiyak sa pintuan ng toldang tipanan.

Nang makita ito ni Finehas, na anak ni Eleazar, na anak ng paring si Aaron, ay tumindig siya sa gitna ng kapulungan at hinawakan ang isang sibat.

Pumunta siya sa likod ng lalaking Israelita sa loob ng tolda, at tinuhog silang pareho, ang lalaking Israelita at ang babae, tagos sa katawan nito. Sa gayon ang salot ay huminto sa mga anak ni Israel.

Ang mga namatay sa salot ay dalawampu't apat na libo.

10 At nagsalita ang Panginoon kay Moises, na sinasabi,

11 “Pinawi ni Finehas na anak ni Eleazar, na anak ng paring si Aaron, ang aking galit sa mga anak ni Israel, sa paraang siya'y nanibugho dahil sa aking paninibugho sa kanila, na anupa't hindi ko nilipol ang mga anak ni Israel sa aking paninibugho.

12 Kaya't sabihin mo, narito, ibinibigay ko sa kanya ang aking tipan ng kapayapaan.

13 At magiging kanya at sa binhing susunod sa kanya ang tipan ng walang hanggang pagkapari, sapagkat siya'y mapanibughuin para sa kanyang Diyos at ginawa ang pagtubos para sa mga anak ni Israel.”

14 Ang pangalan ng lalaking Israelita na napatay, na pinatay na kasama ng babaing Midianita ay Zimri na anak ni Salu, na pinuno sa isang sambahayan ng mga Simeonita.

15 Ang pangalan ng babaing Midianita na napatay ay Cozbi, na anak ni Zur; siya'y pinuno sa bayan ng isang sambahayan ng mga sambayanan sa Midian.

16 Nagsalita ang Panginoon kay Moises, na sinasabi,

17 “Guluhin ninyo ang mga Midianita, at inyong daigin sila;

18 sapagkat ginulo nila kayo ng kanilang mga pandaraya sa inyo sa nangyari sa Peor, at sa pangyayari kay Cozbi, na anak na babae ng pinuno sa Midian, na kanilang kapatid na namatay nang araw ng salot dahil sa pangyayari sa Peor.