Add parallel Print Page Options

23 Sinabi ni Balaam kay Balac, “Magpagawa ka rito ng pitong altar at magdala ka rito ng pitong toro at pitong tupa.” Ganoon nga ang ginawa ni Balac. At silang dalawa ay naghandog ng isang toro at isang lalaking tupa sa bawat altar. Sinabi ni Balaam kay Balac, “Bantayan mo ang mga handog na ito. Aalis muna ako at baka sakaling makipagkita na sa akin si Yahweh. Anumang sabihin niya sa akin ay sasabihin ko sa iyo.” At nagpunta siyang mag-isa sa tuktok ng isang burol.

Pinagpala ni Balaam ang Israel

Nakipagkita nga kay Balaam ang Diyos. Sinabi ni Balaam, “Nagpagawa po ako ng pitong altar at bawat isa'y pinaghandugan ko ng isang toro at isang lalaking tupa.” May sinabi kay Balaam si Yahweh. Pagkatapos, pinabalik ito kay Balac. Nadatnan niya si Balac at ang mga pinuno sa paligid ng handog na sinusunog. Sinabi ni Balaam,

“Mula sa Aram, sa bulubundukin sa silangan,
ipinatawag ako ni Balac na hari ng Moab.
Ang sabi niya sa akin, ‘Halika't ang bansa ni Jacob ay iyong sumpain.
Halika't itakwil mo ang bansang Israel!’
Ang pinagpala ng Diyos ay paano ko susumpain?
Ang binasbasan ni Yahweh, paano ko nga itatakwil?
Mula sa tuktok ng mga bundok sila'y aking natatanaw,
nakikita ko silang lahat mula sa kaburulan.
Sila'y isang bansang namumuhay na mag-isa,
alam nilang sila'y mapalad kaysa mga iba!
10 Ang lahi ni Jacob, alabok ang kagaya;
kung ang Israel ay bilangin, ito ba'y makakaya?
Mamatay nawa akong gaya ng anak ng Diyos;
sa kapayapaan ng matuwid, buhay ko nawa'y matapos!”

11 Itinanong ni Balac kay Balaam, “Bakit ganyan ang ginagawa mo? Di ba't tinawag kita para sumpain ang aking mga kaaway? Ngunit sa halip ay binabasbasan mo pa sila!”

12 Sumagot siya, “Hindi maaaring di ko sabihin ang ipinapasabi ni Yahweh.”

13 Sinabi sa kanya ni Balac, “Pumunta tayo sa ibang lugar, sa lugar na hindi mo makikita ang lahat ng mga Israelita. Doon mo sila sumpain.” 14 At nagpunta sila sa bukirin ni Zofim, sa taluktok ng Pisga. Nagpagawa sila roon ng pitong altar at bawat isa'y hinandugan ng tig-iisang toro at tig-iisang tupa.

15 Sinabi ni Balaam kay Balac, “Dito ka lang sa may mga handog na sinusunog at pupunta ako sa dako roon para makipagkita kay Yahweh.”

16 Pagkalayo niya nang kaunti, nagpakita si Yahweh sa kanya at sinabi kung ano ang dapat niyang sabihin kay Balac. 17 Pagbalik niya, nakita niya si Balac at ang mga pinunong kasama nito na nakatayo sa paligid ng handog. Tinanong siya ni Balac, “Ano ang sabi ni Yahweh?”

18 Sinabi ni Balaam,

“Makinig ka, Balac, dinggin mo ako,
anak ni Zippor, may sasabihin ako sa iyo:
19 Ang Diyos ay di sinungaling na tulad ng tao.
Anumang sabihin niya'y kanyang gagawin,
kung mangako man siya, ito'y kanyang tutuparin.
20 Ang utos sa akin, sila'y pagpalain;
ang pagpapala ng Diyos, di ko kayang bawiin.
21 Sa Israel ay wala akong makitang kasawian,
sa kanila ay wala ring kapahamakan.
Ang Diyos nilang si Yahweh ang kanilang kasama,
ipinapahayag nilang siya ang hari nila.
22 Ang Diyos ang naglabas sa kanila sa Egipto,
sila'y ipinaglaban niya nang tulad sa mailap na toro.
23 Si Jacob ay hindi makakayang kulamin,
ang Israel ay hindi maaaring sumpain.
Tungkol sa Israel, ito ang sasabihin ng mga tao:
‘Ito ang gawa ng Diyos at pagmasdan ninyo!’
24 Ang Israel ay kasinlakas ng isang leon,
hindi tumitigil hanggang kaaway ay di nalalamon
at hanggang ang dugo nito ay di niya naiinom.”

25 Sinabi ni Balac kay Balaam, “Kung ayaw mo silang sumpain, huwag mo naman sanang pagpalain.”

26 Ngunit ang sagot ni Balaam, “Hindi ba't sinabi ko na sa iyong gagawin ko lamang ang lahat ng sinabi sa akin ni Yahweh?”

27 Sinabi ni Balac, “Halika. Lumipat tayo ng lugar at baka ipahintulot na ng Diyos na sumpain mo roon ang mga Israelita.” 28 At magkasama silang nagpunta sa tuktok ng Peor, kung saan natatanaw nila ang ilang.

29 Sinabi ni Balaam kay Balac, “Magpagawa ka rito ng pitong altar at magpakuha ng pitong toro at pitong tupa.” 30 Gayon nga ang ginawa ni Balac. Bawat altar ay hinandugan niya ng tig-iisang toro at tig-iisang lalaking tupa.

'Mga Bilang 23 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Ang unang hula ni Balaam.

23 At sinabi ni Balaam kay Balac, (A)Ipagtayo mo ako rito ng pitong dambana, at ipaghanda mo ako rito ng pitong toro at ng pitong tupang lalake.

At ginawa ni Balac gaya ng sinalita ni Balaam; at si Balac at si Balaam ay (B)naghandog sa bawa't dambana ng isang toro at ng isang tupang lalake.

At sinabi ni Balaam kay Balac, (C)Tumayo ka sa tabi ng iyong handog na susunugin, at ako'y yayaon; marahil ang Panginoon ay (D)paririto na sasalubungin ako: at anomang bagay na kaniyang ipakita sa akin ay aking sasaysayin sa iyo. At siya'y naparoon sa isang dakong mataas na walang tanim.

(E)At sinalubong ng Dios si Balaam: at sinabi niya sa kaniya, Aking inihanda ang pitong dambana, at aking inihandog ang isang toro at ang isang tupang lalake sa bawa't dambana.

(F)At nilagyan ng Panginoon ng salita ang bibig ni Balaam, at sinabi: Bumalik ka kay Balac, at ganito ang iyong sasalitain.

At siya'y bumalik sa kaniya, at, narito, siya'y nakatayo sa tabi ng kaniyang handog na susunugin, siya at ang lahat ng mga prinsipe sa Moab.

At (G)kaniyang ibinadya ang kaniyang talinhaga, at sinabi,

Mula sa Aram ay dinala ako rito ni Balac,
Niyang hari sa Moab, na mula sa mga bundok ng Silanganan:
(H)Parito ka, sumpain mo sa akin ang Jacob.
At parito ka, laitin mo ang Israel.
Paanong aking susumpain ang hindi sinumpa ng Dios?
At paanong aking lalaitin ang hindi nilait ng Panginoon?
Sapagka't mula sa taluktok ng mga bato ay aking nakikita siya,
At mula sa mga burol ay akin siyang natatanawan:
Narito, siya'y isang (I)bayang tatahang magisa,
At (J)hindi ibinibilang sa gitna ng mga bansa.
10 (K)Sinong makabibilang ng alabok ng Jacob,
O ng bilang ng ikaapat na bahagi ng Israel?
Mamatay nawa ako ng (L)kamatayan ng matuwid,
At ang aking wakas ay magiging gaya nawa ng kaniya!

11 At sinabi ni Balac kay Balaam, Anong ginawa mo sa akin? (M)Ipinagsama kita upang sumpain mo ang aking mga kaaway, at, narito, iyong pinagpala silang totoo.

12 At siya'y sumagot, at nagsabi, (N)Hindi ba nararapat na aking pagingatang salitain yaong isinasa bibig ko ng Panginoon?

Ang ikalawang hula ni Balaam.

13 At sinabi sa kaniya ni Balac, Isinasamo ko sa iyo, na sumama ka sa akin sa ibang dako, na iyong pagkakakitaan sa kanila; ang iyo lamang makikita ay ang kahulihulihang bahagi nila, at hindi mo makikita silang lahat: at sumpain mo sila sa akin mula roon.

14 At dinala niya siya sa parang ng Sophim, sa taluktok ng Pisga, at (O)nagtayo roon ng pitong dambana, at naghandog ng isang toro, at ng isang tupang lalake sa bawa't dambana.

15 At kaniyang sinabi kay Balac, Tumayo ka rito sa tabi ng iyong handog na susunugin, samantalang aking sinasalubong ang (P)Panginoon doon.

16 At sinalubong ng Panginoon si Balaam, at (Q)pinapagsalita siya ng salita sa kaniyang bibig, at sinabi, bumalik ka kay Balac, at ganito ang iyong sasalitain.

17 At siya'y naparoon sa kaniya, at, narito, siya'y nakatayo sa tabi ng kaniyang handog na susunugin, at ang mga prinsipe sa Moab na kasama niya. At sinabi sa kaniya ni Balac, Anong sinalita ng Panginoon?

18 At kaniyang ibinadya ang kaniyang talinghaga, at sinabi,

Tumindig ka, Balac, at iyong dinggin;
Makinig ka sa akin, ikaw anak ni Zippor:
19 (R)Ang Dios ay hindi tao na magsisinungaling,
Ni anak ng tao na magsisisi;
Sinabi ba niya, at hindi niya gagawin?
O sinalita ba niya, at hindi niya isasagawa?
20 Narito, ako'y tumanggap ng utos na magpala:
(S)At kaniyang pinagpala, at hindi ko na mababago.
21 Wala siyang nakitang kasamaan sa Jacob,
Ni wala siyang nakitang kasamaan sa Israel:
Ang Panginoon niyang Dios ay sumasa kaniya,
At (T)ang sigaw ng hari ay nasa gitna nila.
22 (U)Dios ang naglalabas sa kanila sa Egipto;
(V)Siya'y may lakas na gaya ng mabangis na (W)toro.
23 Tunay na walang enkanto laban sa Jacob,
(X)Ni panghuhula laban sa Israel:
Ngayo'y sasabihin tungkol sa Jacob at sa Israel,
(Y)Anong ginawa ng Dios!
24 Narito, ang bayan ay tumitindig na (Z)parang isang leong babae,
(AA)At parang isang leon na nagpakataas:
Siya'y hindi mahihiga hanggang sa makakain ng huli,
At makainom ng dugo ng napatay.

25 At sinabi ni Balac kay Balaam, Ni huwag mo silang pakasumpain ni pakapagpalain.

26 Nguni't si Balaam ay sumagot at nagsabi kay Balac, Di ba isinaysay ko sa iyo, na sinasabi, (AB)Yaong lahat na sinasalita ng Panginoon, ay siya kong nararapat gawin?

27 At sinabi ni Balac kay Balaam, Halika ngayon, (AC)ipagsasama kita sa ibang dako; marahil ay kalulugdan ng Dios na iyong sumpain sila sa akin mula roon.

28 At ipinagsama ni Balac si Balaam sa taluktok ng (AD)Peor, (AE)na nakatungo sa ilang.

29 At sinabi ni Balaam kay Balac, (AF)Ipagtayo mo ako rito ng pitong dambana, at ipaghanda mo ako rito ng pitong toro at ng pitong tupang lalake.

30 At ginawa ni Balac gaya ng sinabi ni Balaam, at naghandog ng isang toro at ng isang tupang lalake sa bawa't dambana.