Add parallel Print Page Options

Sinalakay ng mga Cananeo ang mga Israelita

21 Nabalitaan(A) ng hari ng Arad, isang haring Cananeo sa timog, na magdaraan sa Atarim ang mga Israelita. Sinalakay niya ang mga ito at nakabihag ng ilan. Kaya ang mga Israelita'y gumawa ng panata kay Yahweh. Sabi nila, “Tulungan ninyo kaming talunin ang mga taong ito at wawasakin namin ang kanilang mga lunsod para sa iyo.” Dininig naman sila ni Yahweh. Kaya, nang mabihag nila ang mga Cananeo ay winasak nga nila ang lunsod ng mga ito, at tinawag nilang Horma[a] ang lugar na iyon.

Ang mga Makamandag na Ahas

Mula(B) sa Bundok ng Hor, nagpatuloy ang mga Israelita patungong Dagat na Pula[b] upang iwasan ang Edom. Subalit nainip sila sa pasikut-sikot na paglalakbay. Nagreklamo sila sa Diyos at kay Moises, “Inilabas mo ba kami sa Egipto upang mamatay lamang sa ilang na ito? Wala kaming makain ni mainom! Suyang-suya na kami sa walang kuwentang pagkaing ito.” Dahil(C) dito, pinadalhan sila ni Yahweh ng mga makamandag na ahas at maraming Israelita ang natuklaw ng mga ito at namatay. Kaya, lumapit sila kay Moises. Sinabi nila, “Nagkasala kami kay Yahweh at sa iyo. Ipanalangin mo kami na kanyang paalisin ang mga ahas na ito.” Nanalangin nga si Moises para sa Israel at ganito ang sagot sa kanya ni Yahweh: “Gumawa ka ng isang ahas na tanso. Ilagay mo iyon sa dulo ng isang mahabang kahoy. Sinumang natuklaw ng ahas at tumingin doon ay hindi mamamatay.” Ganoon(D) nga ang ginawa ni Moises. Kaya lahat ng natuklaw ng ahas ay tumitingin sa ahas na tanso at hindi nga namamatay.

Ang Paglalakbay ng Israel sa Palibot ng Moab

10 Ang bayang Israel ay nagpatuloy sa paglalakbay at nagkampo sa Obot. 11 Mula roon, nagtuloy sila sa mga guho ng Abarim, sa ilang na nasa silangan ng Moab. 12 Pag-alis doon, nagpatuloy sila sa Libis ng Zared. 13 Buhat naman dito ay nagtuloy sila sa kabila ng Ilog Arnon, isang lugar na nasa pagitan ng lupain ng mga Amoreo at ng mga Moabita. 14 Kaya natala sa Aklat ng mga Pakikipagdigma ni Yahweh ang ganito:

“Parang ipu-ipong sinakop niya ang Waheb at ang kapatagan ng Arnon,
15 at ang kataasan hanggang sa kapatagan ng Ar
at sa hangganan ng Moab.”

16 Mula sa Arnon, nagpatuloy sila hanggang sa lugar na tinatawag na Balon. Ang lugar na ito'y tinawag na Balon sapagkat dito sila pinahukay ni Yahweh ng balon para makunan ng tubig. 17 Umawit sila roon ng ganito:

“Bumukal ka ng tubig, O balon
at sa iyo'y awit ang aming tugon,
18 mga pinuno ang humukay sa iyo
na ang gamit ay tungkod at setro.”

Mula sa ilang na iyon ay nagtuloy sila sa Matana, 19 nagdaan ng Nahaliel at Bamot. 20 Pag-alis doo'y nagtuloy sila sa isang kapatagang sakop din ng Moab, sa tuktok ng Pisga na nakaharap sa ilang.

Nalupig ng Israel sina Haring Sihon at Og(E)

21 Ang mga Israelita'y nagsugo kay Haring Sihon, isang Amoreo. Ipinasabi nila, 22 “Maaari po bang makiraan kami sa inyong lupain? Hindi po kami daraan sa alinmang bukirin o ubasan, ni iinom sa inyong balon. Sa Lansangan ng Hari po kami daraan hanggang sa makalampas kami sa inyong nasasakupan.” 23 Subalit hindi sila pinahintulutan ni Haring Sihon; sa halip, tinipon niya ang kanyang hukbo at sinalakay ang mga Israelita sa Jahaz. 24 Ngunit nagwagi ang mga Israelita at nasakop ang kanyang lupain, mula sa Ilog Arnon hanggang Jabok, sa may hangganan ng Ammon. Matitibay ang mga kuta ng Ammon. 25 Sinakop ng mga Israelita ang mga lunsod ng mga Amoreo, pati ang Lunsod ng Hesbon at ang mga bayang sakop nito. Pagkatapos, sila na ang nanirahan sa mga lunsod na ito ng mga Amoreo. 26 Ang Hesbon ang siyang punong-lunsod ni Haring Sihon na lumupig sa hari ng Moab at sumakop sa lupain nito hanggang Ilog Arnon. 27 Kaya ang sabi ng mga mang-aawit,

“Halikayo sa Hesbon
at muling itayo ang lunsod ni Sihon.
28 Mula(F) (G) sa Hesbon na lunsod ni Sihon,
lumabas na parang apoy ang kanyang hukbo.
Tinupok nito ang lunsod ng Ar sa Moab,
at nilamon ang kaburulan[c] ng Arnon.
29 Kawawa ka, Moab, sapagkat ito na ang iyong wakas!
Kawawa ka, bayan ng diyos na si Cemos!
Ang mga anak mong lalaki ay hinayaan niyang maging pugante.
Ang mga anak mong babae ay nabihag ni Sihon na hari ng mga Amoreo.
30 Napuksa pati ang mga sanggol
mula sa Hesbon hanggang sa Dibon,
mula sa Nasim hanggang sa Nofa na malapit sa Medeba.”

31 Nanirahan nga ang mga Israelita sa lupaing nakuha nila sa mga Amoreo. 32 Pagkatapos, si Moises ay nagsugo ng mga espiya sa Jazer, at nasakop din nila ito pati ang mga karatig-bayan nito. Pinalayas din nila ang mga Amoreo roon.

33 Hinarap naman nila ang Bashan, ngunit nilabanan sila ni Haring Og sa Edrei. 34 Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Huwag kang matakot sapagkat ipapalupig ko siya sa iyo. Magagawa mo sa kanya ang ginawa mo kay Haring Sihon ng Hesbon.” 35 Napatay nga nila si Og, ang mga anak nito at ang lahat ng kababayan nito, wala silang itinirang buháy. Sinakop nila ang lupaing iyon.

Footnotes

  1. 3 HORMA: Sa wikang Hebreo, ang kahulugan ng pangalang ito ay “pagkawasak”.
  2. 4 Dagat na Pula: o kaya'y Dagat ng mga Tambo .
  3. 28 nilamon ang kaburulan: Sa ibang manuskrito'y ang mga pinuno .
'Mga Bilang 21 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Nilipol nila ang Cananeo.

21 At ang Cananeo, na (A)hari sa Arad, na tumatahan sa Timugan ay nakabalita na ang Israel ay dumating (B)sa daan ng Atarim; at nilabanan niya ang Israel at binihag ang iba sa kanila.

(C)At ang Israel ay nanata sa Panginoon, at nagsabi, Kung tunay na ibibigay mo ang bayang ito sa aking kamay, ay aking lubos na (D)gigibain nga ang kanilang mga bayan.

At dininig ng Panginoon ang tinig ng Israel, at ibinigay ang Cananeo sa kanila, at kanilang lubos na nilipol sila at ang kanilang mga bayan: at ang ipinangalan sa dakong yaon ay Horma.

(E)At sila'y naglakbay mula sa bundok ng Hor na napasa daang patungo sa Dagat na Mapula (F)upang lumiko sa lupain ng Edom; at ang damdamin ng bayan ay nainip dahil sa daan.

(G)At ang bayan ay nagsalita laban sa Dios at laban kay Moises: (H)Bakit ninyo kami pinasampa mula sa Egipto, upang mamatay sa ilang? sapagka't walang tinapay at walang tubig; at ang aming kaluluwa ay nasusuya na sa manang ito.

At (I)ang Panginoon ay nagsugo ng mababangis na ahas sa gitna ng bayan, at kanilang kinagat ang bayan: at maraming tao sa Israel ay namatay.

(J)At ang bayan ay naparoon kay Moises, at nagsabi, Kami ay (K)nagkasala, sapagka't kami ay nagsalita laban sa Panginoon, at laban sa iyo; (L)idalangin mo sa Panginoon, na kaniyang alisin sa amin ang mga ahas. At idinalangin ni Moises ang bayan.

At sinabi ng Panginoon kay Moises, Gumawa ka ng isang mabagsik na ahas at ipatong mo sa isang tikin: at mangyayari, na bawa't taong makagat, ay mabubuhay pag tumingin doon.

At (M)si Moises ay gumawa ng isang ahas na tanso at ipinatong sa isang tikin: at nangyari, na pag may nakagat ng ahas ay nabubuhay pagtingin sa ahas na tanso,

Naglakbay mula sa Oboth at humantong sa bundok ng Pisga.

10 At ang mga anak ni Israel ay naglakbay, at (N)humantong sa Oboth.

11 At sila'y naglakbay mula sa Oboth, at (O)humantong sa Ije-abarim sa ilang na nasa tapat ng Moab, sa dakong sinisikatan ng araw.

12 (P)Mula roon ay naglakbay sila, at humantong sa libis ng Zared.

13 Mula roon ay naglakbay sila, at humantong sa kabilang ibayo ng Arnon, na nasa ilang na lumalabas sa hangganan ng mga Amorrheo: sapagka't ang (Q)Arnon ay hangganan ng Moab, na nasa pagitan ng Moab at ng mga Amorrheo.

14 Kaya't sinasabi sa aklat ng Mga Pakikipagbaka ng Panginoon,

Ang Vaheb ay sa Sufa,
At ang mga libis ng Arnon,
15 At ang kiling ng mga libis
Na kumikiling sa dakong tahanan ng Ar,
At (R)humihilig sa hangganan ng Moab.

16 At mula roon, ay napasa Beer sila, na siyang balong pinagsabihan ng Panginoon kay Moises, Pisanin mo ang bayan at aking bibigyan sila ng tubig.

17 (S)Nang magkagayo'y inawit ng Israel ang awit na ito:

Bumalong ka, Oh balon; awitan ninyo siya;
18 Siyang balong hinukay ng mga prinsipe,
Na pinalalim ng mga mahal sa bayan,
(T)Ng setro at ng kanilang mga tungkod.

At mula sa ilang, sila'y napasa Mathana.

19 At mula sa Mathana ay napasa Nahaliel: at mula sa Nahaliel ay napasa Bamoth;

20 At mula sa Bamoth ay napasa libis na nasa bukid ng Moab, sa taluktok ng Pisga, na patungo sa ilang.

Sinaktan si Sehon at si Og.

21 At ang Israel ay (U)nagutos ng mga sugo kay Sehon, na hari ng mga Amorrheo, na sinasabi,

22 (V)Paraanin mo ako sa iyong lupain: kami ay hindi liliko sa bukid, ni sa ubasan; kami ay hindi iinom ng tubig ng mga balon: kami ay magdadaan sa maluwang na lansangan, hanggang sa aming maraanan ang iyong hangganan.

23 (W)At hindi ipinahintulot paraanin ni Sehon ang Israel sa kaniyang hangganan: kungdi pinisan ni Sehon ang kaniyang buong bayan, at lumabas sa ilang laban sa Israel at (X)dumating hanggang Jahaz: at nilabanan ang Israel.

24 At (Y)sinaktan siya ng Israel ng talim ng tabak, at inari ang kaniyang lupain mula sa Arnon hanggang (Z)Jaboc, hanggang sa mga anak ni Ammon: sapagka't ang hangganan ng mga anak ni Ammon ay matibay.

25 At sinakop ng Israel ang lahat ng mga bayang ito: at ang Israel ay tumahan sa lahat ng mga bayan ng mga Amorrheo, sa Hesbon at sa lahat ng mga bayan niyaon.

26 Sapagka't ang Hesbon ay siyang bayan ni Sehon na hari ng mga Amorrheo, na siyang nakipaglaban sa unang hari sa Moab, at sumakop ng buong lupain niyaon sa kaniyang kamay hanggang sa Arnon.

27 Kaya't yaong mga nagsasalita ng mga (AA)kawikaan ay nagsasabi,

Halina kayo sa Hesbon,
Itayo at itatag ang bayan ni Sehon:
28 Sapagka't may isang (AB)apoy na lumabas sa Hesbon,
Isang liyab na mula sa bayan ni Sehon:
Na sumupok sa Ar ng Moab,
Sa mga panginoon sa matataas na dako ng Arnon.
29 Sa aba mo, Moab!
Ikaw ay napahamak, Oh bayan ni (AC)Chemos:
Na nagpagala ng kaniyang mga anak na lalake,
At ipinabihag ang kaniyang mga anak na babae,
Kay Sehon na hari ng mga Amorrheo.
30 Aming pinana (AD)sila; ang Hesbon ay namatay hanggang sa Dibon,
At aming iniwasak hanggang Nopha,
Na umaabot hanggang (AE)Medeba.

31 Ganito tumahan ang Israel sa lupain ng mga Amorrheo.

32 At si Moises ay nagsugo upang tumiktik sa Jazer, (AF)at kanilang sinakop ang mga bayan niyaon at pinalayas nila ang mga Amorrheo na nandoon.

33 (AG)At sila'y lumiko at umahon sa daan ng Basan: at si Og na hari sa Basan ay lumabas laban sa kanila, siya at ang buong bayan niya, upang makipagbaka sa (AH)Edrei.

34 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Huwag mo siyang katakutan; sapagka't aking ibinigay siya sa iyong kamay, at ang buong bayan niya, at ang kaniyang lupain, at iyong (AI)gagawin sa kaniya ang gaya ng iyong ginawa kay Sehon na hari ng mga Amorrheo, na tumahan sa Hesbon.

35 Gayon nila sinaktan siya, at ang kaniyang mga anak, at ang buong bayan niya hanggang sa walang natira sa kaniya: at kanilang inari ang kaniyang lupain.