Add parallel Print Page Options

25 Sa dakong hilagaan ay malalagay ang watawat ng kampamento ng Dan, ayon sa kanilang mga hukbo: at ang magiging prinsipe sa mga anak ni Dan, ay si Ahiezer na anak ni Ammisaddai.

26 At ang kanilang hukbo, at yaong nangabilang sa kanila ay anim na pu't dalawang libo at pitong daan.

27 At yaong hahantong sa siping niya ay ang lipi ni Aser: at ang magiging prinsipe sa mga anak ni Aser ay si Phegiel na anak ni Ocran:

28 At ang kaniyang hukbo, at yaong nangabilang sa kanila ay apat na pu't isang libo at limang daan.

29 At ang lipi ni Nephtali: at ang magiging prinsipe sa mga anak ni Nephtali ay si Ahira na anak ni Enan.

30 At ang kaniyang hukbo at yaong nangabilang sa kanila ay limang pu't tatlong libo at apat na raan.

31 Yaong lahat na nangabilang sa kampamento ng Dan, ay isang daan at limang pu't pitong libo at anim na raan. Sila ang (A)magsisisulong na huli, ayon sa kanilang mga watawat.

Read full chapter