Add parallel Print Page Options

Ang ikasangpung bahagi ay ipinamana sa mga Levita.

21 At sa mga anak ni Levi, ay narito, aking (A)ibinigay ang lahat ng ikasangpung bahagi sa Israel na pinakamana, na ganti (B)sa kanilang paglilingkod na kanilang ipinaglilingkod, sa makatuwid baga'y sa paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan.

Read full chapter

26 Bukod dito'y sasalitain mo sa mga Levita, at sasabihin mo sa kanila, Pagkuha ninyo sa mga anak ni Israel ng ikasangpung bahagi na aking ibinigay sa inyo mula sa kanila na inyong pinakamana, ay inyong ihahandog nga na pinakahandog na itinaas sa Panginoon, (A)ang ikasangpung bahagi ng ikasangpung bahagi.

Read full chapter

Bukod dito'y inutusan niya ang bayan na tumatahan sa Jerusalem, (A)na ibigay ang pagkain ng mga saserdote at ng mga Levita, (B)upang magsitalaga sa (C)kautusan ng Panginoon.

At paglabas ng utos, ang mga anak ni Israel ay nangagbigay na sagana ng mga unang bunga ng trigo, alak, at langis, at pulot, at sa lahat na bunga sa bukid; at ang ikasangpung bahagi ng lahat na bagay ay dinala nila na sagana.

Read full chapter