Add parallel Print Page Options

At ang bayan ay humibik kay Moises; at si Moises ay (A)nanalangin sa Panginoon at ang apoy ay namatay.

Read full chapter

18 At (A)ako'y nagpatirapa sa harap ng Panginoon, (B)gaya ng una, na apat na pung araw at apat na pung gabi; hindi ako kumain ng tinapay ni uminom ng tubig; dahil sa inyong buong kasalanan na inyong ipinagkasala sa paggawa ninyo ng masama sa paningin ng Panginoon na minungkahi ninyo siya sa galit;

Read full chapter

20 At ang Panginoo'y totoong nagalit kay Aaron na siya sana'y papatayin: at akin din namang idinalangin si Aaron nang panahon ding yaon.

Read full chapter

18 Sa gayo'y tumawag si Samuel sa Panginoon; at ang Panginoon ay nagpasapit ng kulog at ulan ng araw na yaon: at ang (A)buong bayan ay natakot na mainam sa Panginoon at kay Samuel.

Read full chapter

20 At siya'y dumaing sa Panginoon, at nagsabi, Oh Panginoon kong Dios, dinalhan mo rin ba ng kasamaan ang bao na aking kinatutuluyan, sa pagpatay sa kaniyang anak?

Read full chapter

33 Siya'y pumasok nga at (A)sinarhan ang pintuan sa kanilang dalawa, at dumalangin sa Panginoon.

Read full chapter

15 (A)At si Ezechias ay dumalangin sa harap ng Panginoon at nagsabi, Oh Panginoon, na Dios ng Israel (B)na nauupo sa mga querubin, ikaw ang Dios, ikaw lamang sa lahat ng kaharian sa lupa; ikaw ang lumikha ng langit at lupa.

16 (C)Ikiling mo ang iyong pakinig, Oh Panginoon, at iyong dinggin; idilat mo ang iyong mga mata, Oh Panginoon, at tumingin ka: at dinggin mo ang mga salita ni Sennacherib, na (D)kaniyang ipinasugo upang ipanungayaw sa buháy na Dios.

17 Sa katotohanan, Panginoon, sinira ng mga hari sa Asiria ang mga bansa, at ang kanilang mga lupain,

18 At inihagis ang kanilang mga dios sa apoy: sapagka't sila'y hindi mga dios, kundi (E)gawa ng mga kamay ng mga tao, na kahoy at bato; kaya't kanilang nilipol ang mga yaon.

19 Ngayon nga, Oh Panginoon naming Dios, iligtas mo kami, isinasamo ko sa iyo sa kaniyang kamay, upang (F)makilala ng lahat na kaharian sa lupa na ikaw ang Panginoong Dios, ikaw lamang.

20 Nang magkagayo'y nagsugo si Isaias na anak ni Amos kay Ezechias, na nagsasabi, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, (G)Yamang ikaw ay dumalangin sa akin laban kay Sennacherib na hari sa Asiria, (H)dininig kita.

Read full chapter

Nang magkagayo'y kaniyang ipinihit ang kaniyang mukha sa panig ng bahay, at nanalangin sa Panginoon, na nagsasabi,

Idinadalangin ko sa iyo, Oh Panginoon, na iyong (A)alalahanin, kung paanong ako'y lumakad sa harap mo sa katotohanan, at may dalisay na puso at (B)gumawa ng mabuti sa iyong paningin. At si Ezechias ay umiyak na mainam.

At nangyari, bago si Isaias ay lumabas sa pinakaloob ng bayan, na ang salita ng Panginoon ay dumating sa kaniya, na nagsasabi,

Bumalik ka uli, at sabihin mo kay Ezechias na (C)pangulo ng aking bayan. Ganito ang sabi ng Panginoon ng Dios ni David na iyong magulang, (D)Aking narinig ang iyong (E)panalangin, aking nakita ang iyong mga luha: narito, aking pagagalingin ka: sa ikatlong araw ay sasampa ka sa bahay ng Panginoon.

Read full chapter