Mga Awit 98:2
Ang Biblia (1978)
2 (A)Ipinakilala ng Panginoon ang kaniyang pagliligtas:
(B)Ang kaniyang katuwiran ay ipinakilala niyang lubos sa paningin ng mga bansa.
Ezekiel 20:9
Ang Biblia (1978)
9 (A)Nguni't ako'y gumawa (B)alangalang sa aking pangalan, upang huwag malapastangan sa paningin ng mga bansa, na kinaroroonan nila, na sa mga paningin nila ay napakilala ako sa kanila, sa paglalabas ko sa kanila sa lupain ng Egipto.
Read full chapter
Ezekiel 20:14
Ang Biblia (1978)
14 Nguni't ako'y gumawa (A)alangalang sa aking pangalan, upang huwag malapastangan sa paningin ng mga bansa, na sa paningin ng mga yaon ay aking inilabas sila.
Read full chapter
Ezekiel 20:22
Ang Biblia (1978)
22 Gayon ma'y iniurong ko ang aking kamay, gumawa ako alang-alang sa aking pangalan, upang huwag malapastangan sa paningin ng mga bansa, na sa paningin ng mga yaon ay inilabas ko sila.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978