Add parallel Print Page Options

60 (A)Sa gayo'y kaniyang pinabayaan ang tabernakulo ng (B)Silo,
Ang tolda na kaniyang inilagay sa gitna ng mga tao;
61 At ibinigay ang kaniyang (C)kalakasan sa pagkabihag,
At ang kaniyang kaluwalhatian ay sa kamay ng kaaway.
62 (D)Ibinigay rin niya ang kaniyang bayan sa tabak;
At napoot sa kaniyang mana.
63 Nilamon ng apoy ang kanilang mga binata;
At (E)ang mga dalaga nila'y hindi nagkaroon ng awit ng pagaasawa.
64 (F)Ang mga saserdote nila'y nabuwal sa pamamagitan ng tabak;
At (G)ang mga bao nila'y hindi nanganaghoy.

Read full chapter