Add parallel Print Page Options

Panalangin para Parusahan ng Diyos ang Masasama

Katha ni David upang awitin ng Punong Mang-aawit: ayon sa tono ng “Huwag Mong Sirain”. Isang Miktam.[a]

58 Tama ba ang hatol ng mga pinuno?
    Ang hatol ba ninyo'y pantay at totoo?
Hindi! Pagkat ang inyong binabalangkas
    pawang karahasa't gawaing di tama.

Iyang masasama sa mula't mula pa,
    mula sa pagsilang ay sinungaling na.
Sila'y makamandag, ahas ang kaparis,
    katulad ay kobrang ang tainga ay may takip;
itong mga tawak at salamangkero,
    di niya dinirinig, hindi pansin ito.

Bungiin ang ngipin nila, O Panginoon,
    alisin ang pangil niyong mga leon.
Itapon mo silang katulad ng tubig,
    sa daa'y duruging parang mga yagit.
Parang mga susô, sa dumi magwakas,
    batang di nabuhay sa sangmaliwanag.
Puputulin silang hindi nila batid,
    itatapon ng Diyos sa tindi ng galit;
    bagaman buháy pa'y iyon na ang sinapit.

10 Ang mga matuwid nama'y magagalak kung ang masasama'y parusahang ganap;
    pagkakita nila sa dugong dumanak, hindi mangingiming doon na tumahak.
11 Saka sasabihin ng mga nilalang, “Ang mga matuwid ay gantimpalaan;
    tunay ngang may Diyos, na hukom ng lahat!”

Footnotes

  1. Mga Awit 58:1 MIKTAM: Tingnan ang Awit 16.
'Awit 58 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Al-tashheth. Awit ni David. Michtam.

58 Tunay bang kayo'y nangagsasalita ng katuwiran Oh kayong mga makapangyarihan?
Nagsisihatol ba kayo ng matuwid, Oh kayong mga anak ng mga tao?
Oo, sa puso ay nagsisigawa kayo ng kasamaan;
Inyong tinitimbang ang pangdadahas ng inyong mga kamay sa lupa.
Ang masama ay naliligaw mula sa bahay-bata:
Sila'y naliligaw pagkapanganak sa kanila, na nagsasalita ng mga kasinungalingan.
(A)Ang kanilang kamandag ay parang kamandag ng ahas:
Sila'y (B)gaya ng binging ahas na nagtatakip ng kaniyang pakinig;
At hindi nakakarinig ng tinig (C)ng mga enkantador,
Na kailan man ay hindi umeenkanto ng gayon na may karunungan.
Iyong bungalin ang kanilang mga ngipin, (D)Oh Dios, sa kanilang bibig:
Iyong bungalin ang mga malaking ngipin ng mga batang leon, Oh Panginoon.
(E)Mangatunaw nawa silang parang tubig na umaagos:
Pagka inihilagpos niya ang kaniyang mga palaso, maging gaya nawa ng nangaluray.
Maging gaya nawa ng laman ng suso na natutunaw at napapawi:
(F)Na gaya ng naagas sa babae na hindi nakakita ng araw.
(G)Bago makaramdam ang inyong mga palyok ng mga dawag na panggatong,
(H)Kaniyang kukunin ang mga yaon ng ipoipo, ang sariwa at gayon din ang nagniningas.
10 (I)Magagalak ang matuwid pagka nakita niya (J)ang higanti:
Kaniyang huhugasan (K)ang kaniyang mga paa sa dugo ng masama.
11 (L)Na anopa't sasabihin ng mga tao, Katotohanang may kagantihan sa matuwid:
Katotohanang may Dios na (M)humahatol sa lupa.