Add parallel Print Page Options

(A)Dumating nawa sa kaniya ng walang anoano ang pagkapahamak;
At hulihin nawa siya ng (B)kaniyang silo na kaniyang ikinubli:
Mahulog nawa siya sa ikapapahamak niya.

Read full chapter

23 (A)Manglabo ang kanilang mga mata, na sila'y huwag makakita;
At papanginigin mong palagi ang kanilang mga balakang.
24 (B)Ibugso mo ang iyong galit sa kanila,
At datnan sila ng kabangisan ng iyong galit.
25 (C)Magiba ang tahanan nila;
Walang tumahan sa kanilang mga tolda.
26 Sapagka't kanilang hinabol siya na iyong sinaktan,
At (D)sinaysay nila ang damdam niyaong iyong sinugatan.
27 (E)At dagdagan mo ng kasamaan ang kanilang kasamaan:
At huwag silang masok sa iyong katuwiran.
28 (F)Mapawi sila sa aklat ng buhay,
(G)At huwag masulat na kasama ng matuwid.

Read full chapter

(A)Lagyan mo ng masamang tao siya:
At tumayo nawa ang isang (B)kaaway sa kaniyang kanan.
(C)Pagka siya'y nahatulan, lumabas nawa siyang salarin;
At maging kasalanan nawa ang (D)kaniyang dalangin.
(E)Maging kaunti nawa ang kaniyang mga kaarawan;
At kunin nawa ng iba ang kaniyang katungkulan.
(F)Maulila nawa ang kaniyang mga anak,
At mabao ang kaniyang asawa.
10 (G)Magsilaboy nawa ang kaniyang mga anak, at mangagpalimos;
At hanapin nila ang kanilang pagkain sa kanilang mga dakong guho.
11 Kunin nawa ng manglulupig ang lahat niyang tinatangkilik;
At samsamin ng mga (H)taga ibang lupa ang kaniyang mga gawa.
12 Mawalan nawa ng maawa sa kaniya;
At mawalan din ng maawa sa kaniyang mga anak na ulila.
13 Mahiwalay nawa ang (I)kaniyang kaapuapuhan;
Sa lahing darating ay mapawi ang kaniyang pangalan.
14 (J)Maalaala nawa ng Panginoon ang kasamaan ng kaniyang mga magulang;
At huwag mapawi ang kasalanan ng kaniyang ina,
15 Mangalagay nawa silang lagi sa harap ng Panginoon,
Upang ihiwalay (K)niya ang alaala sa kanila sa lupa.

Read full chapter