Add parallel Print Page Options

Panalangin upang tulungan, at Papuri dahil sa sagot. Awit ni David.

28 Sa iyo, Oh Panginoon, tatawag ako;
(A)Bato ko, (B)huwag kang magpakabingi sa akin:
(C)Baka kung ikaw ay tumahimik sa akin,
(D)Ako'y maging gaya nila na bumaba sa hukay.
Dinggin mo ang tinig ng aking mga pananaing, pagka ako'y dumadaing sa iyo,
(E)Pagka aking iginagawad ang aking mga kamay (F)sa dako ng banal na sanggunian sa iyo.
Huwag mo akong agawin na kasama ng mga masama,
At ng mga manggagawa ng kasamaan;
(G)Na nangagsasalita ng kapayapaan sa kanilang mga kapuwa,
Nguni't kasamaan ay nasa kanilang mga puso.
(H)Bigyan mo sila ng ayon sa kanilang gawa, at ng ayon sa kasamaan ng kanilang mga gawain:
Gantihin mo sila ng ayon sa kilos ng kanilang mga kamay.
Bayaran mo sila ng ukol sa kanila,
Sapagka't (I)ayaw nilang pakundanganan ang mga gawa ng Panginoon,
Ni ang kilos man ng kaniyang mga kamay,
Kaniyang ibabagsak sila, at hindi sila itatayo.
Purihin ang Panginoon,
Sapagka't dininig niya ang tinig ng aking mga pananaing.
Ang Panginoon ay aking kalakasan at (J)aking kalasag;
Ang aking puso ay tumiwala sa kaniya, at ako'y nasaklolohan:
Kaya't ang aking puso ay nagagalak na mainam;
At aking pupurihin siya ng aking awit.
Ang Panginoon ay kanilang kalakasan,
At siya'y (K)kuta ng kaligtasan sa kaniyang pinahiran ng langis.
Iligtas mo ang iyong bayan, at pagpalain mo (L)ang iyong pamana:
Naging pastor ka rin naman nila, at alalayan mo sila magpakailan man.

'Awit 28 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Awit ni David.

28 Sa iyo, O Panginoon, ako'y nananawagan,
    aking malaking bato, sa aki'y huwag magbingi-bingihan,
baka kung ikaw sa akin ay tumahimik lamang,
    ako'y maging gaya nila na bumababa sa Hukay.
Pakinggan mo ang tinig ng aking karaingan,
    habang ako'y dumaraing ng tulong sa iyo,
habang aking itinataas ang aking mga kamay
    sa dako ng kabanal-banalang santuwaryo.

Huwag mo akong agawing kasama ng masasama,
    na kasama ng mga taong kasamaan ang ginagawa,
na nagsasalita ng kapayapaan sa kanilang mga kapwa,
    gayong ang nasa kanilang mga puso ay masamang pakana.
Ayon(A) sa kanilang gawa, sila'y iyong pagbayarin,
    at ayon sa kasamaan ng kanilang mga gawain.
Gantihan mo sila ng ayon sa gawa ng kanilang mga kamay;
    ang karampatang ganti sa kanila'y ibigay.
Sapagkat ang mga gawa ng Panginoon, ay hindi nila pinapahalagahan,
    ni ang mga gawa ng kanyang mga kamay,
kanyang ibabagsak sila at hindi na sila itatayo kailanman.

Ang Panginoon ay purihin!
    Sapagkat narinig niya ang tinig ng aking mga daing.
Ang Panginoon ang aking lakas at aking kalasag;
    sa kanya ang aking puso ay nagtitiwala,
kaya't ako'y natutulungan, at ang aking puso ay nagagalak,
    at sa pamamagitan ng aking awit ako sa kanya'y nagpapasalamat.

Ang Panginoon ang lakas ng kanyang bayan,
    siya ang nagliligtas na kanlungan ng kanyang pinahiran.
Iligtas mo ang iyong bayan, at ang iyong pamana ay basbasan,
    maging pastol ka nila, at buhatin mo sila magpakailanman.