Mga Awit 2:7
Ang Biblia (1978)
7 Aking sasaysayin ang tungkol sa pasiya:
Sinabi ng Panginoon sa akin, (A)Ikaw ay aking anak;
Sa araw na ito ay ipinanganak kita.
Mateo 4:3
Ang Biblia (1978)
3 At ang manunukso ay dumating at nagsabi sa kaniya, Kung ikaw ang Anak ng Dios, ay ipagutos mo na ang mga batong ito ay maging mga tinapay.
Read full chapter
Mateo 4:3
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
3 Dumating ang manunukso at sinabi sa kanya, “Kung ikaw nga ang Anak ng Diyos, ipag-utos mong maging tinapay ang mga batong ito.”
Read full chapter
Mateo 4:6
Ang Biblia (1978)
6 At sa kaniya'y sinabi, Kung ikaw ang Anak ng Dios, ay magpatihulog ka: sapagka't nasusulat,
(A)Siya'y magbibilin sa kaniyang mga anghel tungkol sa iyo:
at, Aalalayan ka ng kanilang mga kamay,
Baka matisod ka ng iyong paa sa isang bato.
Mateo 4:6
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
6 Sinabi nito sa kanya, “Kung ikaw nga ang Anak ng Diyos, tumalon ka mula riyan, sapagkat nasusulat,
‘Uutusan niya ang kanyang mga anghel na ingatan ka,’
at ‘Mga kamay nila sa iyo ay sasalo,
upang ang paa mo'y hindi masaktan sa bato.’ ”
Mateo 8:29
Ang Biblia (1978)
29 At narito, sila'y nagsisigaw, na nangagsasabi, Anong aming ipakikialam sa iyo, ikaw na (A)Anak ng Dios? naparito ka baga upang kami'y iyong pahirapan bago dumating ang kapanahunan?
Read full chapter
Mateo 8:29
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
29 Bigla silang sumigaw, “Ano'ng kailangan mo sa amin, Anak ng Diyos? Pumarito ka ba upang parusahan na kami bago pa sumapit ang takdang panahon?”
Read full chapter
Mateo 26:63
Ang Biblia (1978)
63 Datapuwa't hindi umimik si (A)Jesus. At sinabi ng dakilang saserdote sa kaniya, (B)Kita'y pinapanunumpa alangalang sa Dios na buhay, na sabihin mo sa amin kung ikaw nga ang Cristo, (C)ang Anak ng Dios.
Read full chapter
Mateo 26:63
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
63 Subalit hindi nagsalita si Jesus. Sinabi ng Kataas-taasang Pari sa kanya, “Manumpa ka sa harapan ng Diyos na buháy, sabihin mo sa amin kung ikaw nga ang Cristo, ang Anak ng Diyos.”
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.