Add parallel Print Page Options

50 (A)Dakilang kaligtasan ay ibinibigay niya sa kaniyang hari;
At nagpapakita ng kagandahang-loob sa (B)kaniyang pinahiran ng langis.
Kay David at sa kaniyang binhi (C)magpakailan man.

Read full chapter

Awit ng pagpupuri ni David.

22 At sinalita ni (A)David ang mga salita ng awit na ito sa Panginoon nang araw na iligtas ng Panginoon siya sa kamay ng lahat ng kaniyang mga kaaway, at sa kamay ni Saul.

(B)At kaniyang sinabi,
Ang Panginoo'y aking malaking bato at aking katibayan, at tagapagligtas sa akin, sa makatuwid baga'y akin;
Ang Dios, ang (C)aking malaking bato, na sa (D)kaniya ako'y manganganlong:
Aking (E)kalasag, at siyang (F)sungay ng aking kaligtasan, aking matayog na moog at (G)ampunan sa akin;
Tagapagligtas sa akin, ikaw ang nagliligtas sa akin sa karahasan.
Ako'y tatawag sa Panginoon na (H)karapatdapat purihin:
Sa ganya'y maliligtas ako sa aking mga kaaway.
Sapagka't ang mga alon ng kamatayan ay kumulong sa akin;
Ang mga baha ng kalikuan ay tumakot sa akin.

Read full chapter