Add parallel Print Page Options

10 (A)Sapagka't hindi mo iiwan ang aking kaluluwa sa (B)Sheol;
Ni hindi mo man titiisin ang iyong (C)banal ay makakita ng kabulukan.

Read full chapter
'Awit 16:10' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

25 Sapagka't sinasabi ni David tungkol sa kaniya,

(A)Nakita kong lagi ang Panginoon sa aking harapan;
Sapagka't siya'y nasa aking kanang kamay, upang huwag akong makilos:
26 Dahil dito'y nagalak ang aking puso, at natuwa ang aking dila;
Pati naman ang aking laman ay mananahan sa pagasa:
27 (B)Sapagka't hindi mo iiwan ang kaluluwa ko sa Hades,
Ni titiisin man na ang iyong Banal ay makakita ng kabulukan.
28 Ipinakilala mo sa akin ang mga daan ng buhay;
Pupuspusin mo ako ng kagalakan sa harap ng iyong mukha.

29 Mga kapatid, malayang masasabi ko sa inyo ang tungkol sa patriarkang si David, na siya'y namatay at inilibing, at nasa atin (C)ang kaniyang libingan hanggang sa araw na ito.

30 Palibhasa nga'y isang propeta, at sa pagkaalam na may panunumpang isinumpa ng Dios sa kaniya, (D)na sa bunga ng kaniyang baywang ay iluluklok niya ang isa sa kaniyang luklukan;

31 Palibhasa'y nakikita na niya ito, ay nagsalita tungkol sa pagkabuhay na maguli ng Cristo, (E)na siya'y hindi pinabayaan sa Hades, ni ang kaniya mang katawan ay hindi nakakita ng kabulukan.

Read full chapter

25 Gaya nga ng sinabi ni David tungkol sa kanya:

‘Noon pa'y nakita kong lagi kong kapiling ang Panginoon;
    Siya'y kasama ko[a] kaya't hindi ako matitinag.
26 Dahil dito'y nagalak ang aking puso at sa dila ko'y nag-umapaw ang tuwa,
    at ang aking katawan ay mabubuhay sa pag-asa.
27 Sapagkat ang kaluluwa ko'y hindi mo hahayaan sa kamatayan[b];
    o ipahihintulot man lang na ang iyong Banal ay makaranas ng kabulukan.
28 Ipinakita mo sa akin ang mga daan ng buhay,
    at sa piling mo'y mapupuno ako ng kagalakan.’

29 Mga kapatid, buong katiyakang sasabihin ko sa inyo na ang ating ninunong si David ay namatay at inilibing. At ang libingan niya'y nasa atin hanggang ngayon. 30 Palibhasa'y propeta si David noong nabubuhay pa, nalalaman niya ang taimtim na pangako sa kanya ng Diyos: na magiging haring tulad niya ang isa mula sa kanyang angkan. 31 Nakita na at ipinahayag na ni David na muling bubuhayin ng Diyos ang Cristo nang kanyang sabihin:

    ‘Hindi siya pinabayaan sa daigdig ng mga patay; ni ang katawan niya'y makaranas ng kabulukan.’

Read full chapter

Footnotes

  1. Mga Gawa 2:25 Sa Griyego, nasa kanan ko.
  2. Mga Gawa 2:27 Sa Griyego, sa Hades, lugar ng kamatayan.