Add parallel Print Page Options

Awit ng Pag-akyat. Mula kay Solomon.

127 Malibang ang Panginoon ang magtayo ng bahay,
    ang mga nagtatayo nito ay walang kabuluhang nagpapagod.
Malibang ang Panginoon ang magbantay sa lunsod,
    ang bantay ay nagpupuyat nang walang kabuluhan.
Walang kabuluhan na kayo'y bumabangon nang maaga,
    at malalim na ang gabi kung magpahinga,
na kumakain ng tinapay ng mga pagpapagal;
    sapagkat binibigyan niya ng tulog ang kanyang minamahal.
Narito, ang mga anak ay pamanang sa Panginoon nagmula,
    ang bunga ng sinapupunan ay isang gantimpala.
Gaya ng mga palaso sa kamay ng mandirigma,
    ay ang mga anak sa panahon ng pagkabata.
Maligaya ang lalaki na ang kanyang lalagyan ng pana
    ay punô ng mga iyon!
Siya'y hindi mapapahiya,
    kapag siya'y nakipag-usap sa kanyang mga kaaway sa pintuang-bayan.

'Awit 127 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Ang pananagana ay nagmumula sa Panginoon. Awit sa mga Pagsampa; ni Salomon.

127 Malibang itayo ng Panginoon ang bahay,
Walang kabuluhang nagsisigawa ang nagtatayo:
(A)Malibang ingatan ng Panginoon ang bayan,
Walang kabuluhang gumigising ang bantay.
Walang kabuluhan sa inyo na kayo'y magsibangong maaga,
At magpahingang tanghali,
(B)At magsikain ng tinapay ng kapagalan:
Sapagka't binibigyan niyang gayon ng pagkakatulog ang kaniyang minamahal.
(C)Narito, ang mga anak ay mana na mula sa Panginoon:
At ang bunga ng bahay-bata ay kaniyang ganting-pala.
Kung paano ang mga pana sa kamay ng makapangyarihang lalake,
Gayon ang mga anak ng kabataan.
Maginhawa ang lalake na pumuno ng kaniyang lalagyan ng pana ng mga yaon:
Sila'y hindi mapapahiya,
Pagka sila'y (D)nakikipagsalitaan sa kanilang mga kaaway sa (E)pintuang-bayan.