Font Size
Mateo 5:46-47
Ang Biblia (1978)
Mateo 5:46-47
Ang Biblia (1978)
46 Sapagka't kung kayo'y iibig (A)sa nangagsisiibig lamang sa inyo, ano ang ganti na inyong kakamtin? hindi baga gayon din ang ginagawa (B)ng mga maniningil ng buwis?
47 At kung ang mga kapatid lamang ninyo ang inyong babatiin, ano ang kalabisan ng inyong ginagawa? hindi baga gayon din ang ginagawa ng mga Gentil?
Read full chapter
Mateo 9:10-11
Ang Biblia (1978)
Mateo 9:10-11
Ang Biblia (1978)
10 At nangyari, na nang nakaupo siya sa pagkain sa bahay, narito, ang (A)maraming maniningil ng buwis at mga makasalanan ay nagsirating at nagsiupong kasalo ni Jesus at ng kaniyang mga alagad.
11 At nang makita ito ng mga Fariseo, ay sinabi nila sa kaniyang mga alagad, Bakit sumasalo ang inyong Guro sa mga (B)maniningil ng buwis at mga makasalanan?
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978