Mateo 5:30
Ang Biblia (1978)
30 (A)At kung ang kanan mong kamay ay nakapagpapatisod sa iyo, ay putulin mo, at iyong itapon: sapagka't may mapapakinabang ka pa na mawala ang isa sa mga sangkap ng iyong katawan, at huwag ang buong katawan mo ay mapasa impierno.
Read full chapter
Marcos 9:43-47
Ang Biblia (1978)
43 At (A)kung ang kamay mo ay makapagpapatisod sa iyo, ay putulin mo: mabuti pa sa iyo ang pumasok sa buhay na pingkaw, kay sa may dalawang kamay kang mapasa impierno, sa apoy na hindi mapapatay.[a](B)
45 At (C)kung ang paa mo'y makapagpapatisod sa iyo, ay putulin mo: mabuti pa sa iyo ang pumasok kang pilay sa buhay kay sa may dalawang paa kang mabulid sa impierno.[b]
47 (D)At kung ang mata mo'y makapagpapatisod sa iyo, ay dukitin mo: mabuti pa sa iyo ang pumasok sa kaharian ng Dios na may isang mata, kay sa may dalawang mata kang mabulid sa impierno;
Read full chapterFootnotes
- Marcos 9:43 Sa ibang mga Kasulatan ay nakalagay ang talatang ito: 44 Na doo'y hindi namamatay ang kanilang uod, at hindi namamatay ang apoy.
- Marcos 9:45 Ganito rin ang nasasabi sa talatang ikaapat na pu't anim.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978