Add parallel Print Page Options

54 Kung gayo'y paano bagang mangatutupad (A)ang mga kasulatan, na ganyan ang nauukol na mangyari?

55 Sa oras na yaon ay sinabi ni Jesus sa mga karamihan, Kayo baga'y nangagsilabas na waring laban sa isang tulisan, na may mga tabak at mga panghampas upang dakpin ako? Araw-araw ay nauupo ako sa templo na nagtuturo, at hindi ninyo ako dinakip.

56 Datapuwa't nangyari ang lahat ng ito, upang mangatupad ang mga kasulatan ng mga propeta. Nang magkagayo'y iniwan siya ng (B)lahat ng mga alagad, at nagsitakas.

Read full chapter