Mateo 17:1-2
Ang Biblia (1978)
17 At (A)pagkaraan ng anim na araw, ay isinama ni Jesus si (B)Pedro, at si Santiago, at si Juan na kapatid niya, at sila'y dinalang bukod sa isang mataas na bundok:
2 At nagbagong-anyo siya sa harap nila; at nagliwanag ang kaniyang mukha na katulad ng araw, at pumuting tulad sa ilaw ang kaniyang mga damit.
Read full chapter
Mateo 17:6
Ang Biblia (1978)
6 At nang marinig ito ng mga alagad, ay nangasubasub sila, at lubhang nangatakot.
Read full chapter
Marcos 9:2
Ang Biblia (1978)
2 At pagkaraan ng anim na araw, ay (A)isinama ni Jesus si Pedro, at si Santiago, at si Juan, at sila'y dinalang bukod sa isang mataas na bundok: at siya'y nagbagong-anyo sa harap nila;
Read full chapter
Lucas 9:28-29
Ang Biblia (1978)
28 At (A)nangyari, nang makaraan ang may mga walong araw pagkatapos ng mga pananalitang ito, na isinama niya si Pedro at si Juan at si Santiago, at umahon sa bundok (B)upang manalangin.
29 At samantalang siya'y nananalangin, ay nagbago ang anyo ng kaniyang mukha, at ang kaniyang damit ay pumuti, at nakasisilaw.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978