Add parallel Print Page Options

14 (A)Nang magkagayo'y nagsilapit sa kaniya ang mga alagad ni Juan, na nangagsabi, Bakit kami at ang mga Fariseo (B)ay nangagaayunong madalas, datapuwa't hindi nangagaayuno ang mga alagad mo?

15 At sinabi sa kanila ni Jesus, (C)Mangyayari bagang mangagluksa ang mga abay sa kasalan, samantalang ang kasintahang lalake ay kasama nila? datapuwa't darating ang mga araw, na ang kasintahang lalake ay aalisin sa kanila, at kung magkagayo'y mangagaayuno sila.

16 At sinoma'y hindi nagtatagpi ng bagong kayo sa damit na luma; sapagka't ang tagpi ay bumabatak sa damit, at lalong lumalala ang punit.

17 Hindi rin nagsisilid ng bagong alak sa mga balat na luma: sa ibang paraan ay nangagpuputok (D)ang mga balat, at nangabububo ang alak, at nangasisira ang mga balat: kundi isinisilid ang bagong alak sa mga bagong balat, at kapuwa nagsisitagal.

Read full chapter

18 Isang tinig ay narinig (A)sa Rama,

Pananangis at kalagimlagim na iyak,
Tinatangisan ni Raquel ang kaniyang mga anak;
At ayaw na siyang maaliw, sapagka't sila'y wala na.

19 Nguni't pagkamatay ni Herodes, narito, ang isang anghel ng Panginoon ay napakita (B)sa panaginip kay Jose sa Egipto, na nagsasabi,

20 Magbangon ka at dalhin mo ang sanggol at ang kaniyang ina, at pumatungo ka sa lupain ng Israel: sapagkat nangamatay na ang nangagmimithi sa buhay ng sanggol.

21 At nagbangon siya at dinala ang sanggol at ang kaniyang ina, at pumatungo sa lupa ng Israel.

22 Datapuwa't nang mabalitaan niya na si Arquelao ang naghahari sa Judea na kahalili ng kaniyang amang si Herodes, ay natakot siyang pumatungo roon; at palibhasa'y pinagsabihan ng Dios sa panaginip, ay napatungo siya sa mga sakop ng (C)Galilea,

Read full chapter