Add parallel Print Page Options

34 Ngunit ako ang nagsasabi sa inyo, huwag ninyong gagamitin sa panunumpa ang anuman, kahit ang langit, sapagkat iyon ang trono ng Diyos, 35 o kaya'y ang lupa, sapagkat ito ang tuntungan ng kanyang mga paa, kahit ang Jerusalem, sapagkat ito ang lungsod ng dakilang hari. 36 Huwag mo ring gagamitin sa iyong panunumpa ang iyong ulo, sapagkat hindi mo kayang paputiin o paitimin ni isa mang hibla ng iyong buhok. 37 Ngunit magsabi kayo ng ‘Oo’ kung ‘Oo’, at ‘Hindi’ kung ‘Hindi’. Anumang higit pa rito ay galing na sa masama.

Read full chapter

34 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, (A)Huwag ninyong ipanumpa ang anoman; kahit ang langit, sapagka't siyang luklukan ng Dios;

35 Kahit ang lupa, sapagka't (B)siyang tungtungan ng kaniyang mga paa; kahit ang Jerusalem, sapagka't (C)siyang bayan ng dakilang Hari.

36 Kahit man ang ulo mo ay huwag mong ipanumpa, sapagka't hindi ka makagagawa ng isang buhok na maputi o maitim.

37 Datapuwa't ang magiging pananalita ninyo'y, Oo, oo; Hindi, hindi; sapagka't ang humigit pa rito ay buhat sa masama.

Read full chapter