Add parallel Print Page Options

23 At nilibot ni Jesus ang buong Galilea, (A)na nagtuturo sa mga sinagoga nila, at ipinangangaral (B)ang evangelio ng kaharian, (C)at nagpapagaling ng lahat ng sarisaring sakit at ng lahat ng karamdaman na nasa mga tao.

24 At lumaganap ang pagkabantog niya sa buong (D)Siria: at kanilang dinadala sa kaniya ang lahat ng mga may karamdaman, at ang mga pinipighati ng sarisaring sakit at pahirap, at ang mga (E)inaalihan ng mga demonio, at ang mga (F)himatayin, at ang mga lumpo: at sila'y pinagagaling niya.

25 (G)At sinundan siya ng lubhang karamihang tao mula sa Galilea at (H)Decapolis at Jerusalem at Judea at mula sa dakong ibayo ng Jordan.

Read full chapter

Nangaral at Nagpagaling ng mga Maysakit si Jesus(A)

23 Nilibot ni Jesus ang buong Galilea sa pagtuturo sa mga sinagoga ng mga Judio at pagpapahayag ng Magandang Balita ng kaharian. Pinagagaling niya ang lahat ng uri ng sakit at karamdaman ng mga tao. 24 Kaya't kumalat ang balita tungkol sa kanya sa buong Syria. Dinala sa kanya ang lahat ng maysakit, ang mga pinahihirapan ng iba't ibang uri ng sakit at kirot, ang mga sinasaniban ng mga demonyo, ang mga may epilepsiya, at ang mga paralitiko. Silang lahat ay kanyang pinagaling. 25 At sumunod sa kanya ang napakaraming tao mula sa Galilea at sa Decapolis, mula sa Jerusalem at Judea, at mula sa ibayo ng Jordan.

Read full chapter