Add parallel Print Page Options

Nang magkagayo'y inihatid ng Espiritu Santo si (A)Jesus sa ilang upang siya'y tuksuhin ng diablo.

At nang siya'y makapagayunong (B)apat na pung araw at apat na pung gabi, sa wakas ay nagutom siya.

At ang manunukso ay dumating at nagsabi sa kaniya, Kung ikaw ang Anak ng Dios, ay ipagutos mo na ang mga batong ito ay maging mga tinapay.

Datapuwa't siya'y sumagot, at sinabi, (C)Nasusulat, Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa't salitang lumalabas sa bibig ng Dios.

Nang magkagayo'y dinala siya ng diablo sa bayang banal; at inilagay siya sa taluktok ng templo,

At sa kaniya'y sinabi, Kung ikaw ang Anak ng Dios, ay magpatihulog ka: sapagka't nasusulat,

(D)Siya'y magbibilin sa kaniyang mga anghel tungkol sa iyo:
at, Aalalayan ka ng kanilang mga kamay,
Baka matisod ka ng iyong paa sa isang bato.

Sinabi sa kaniya ni Jesus, Nasusulat din naman, (E)Huwag mong tutuksuhin ang Panginoon mong Dios.

Muling dinala siya ng diablo sa isang bundok na lubhang mataas, at ipinamalas sa kaniya ang lahat ng mga kaharian sa sanglibutan, at ang kaluwalhatian nila;

At sinabi niya sa kaniya, Lahat ng mga bagay na ito ay ibibigay ko sa iyo, kung ikaw ay magpapatirapa at sasambahin mo ako.

10 Nang magkagayo'y sinabi sa kaniya ni Jesus, Humayo ka, Satanas: sapagka't nasusulat, (F)Sa Panginoon mong Dios sasamba ka, at siya lamang ang iyong paglilingkuran.

11 Nang magkagayo'y iniwan siya ng diablo; at narito, nagsidating ang mga (G)anghel at siya'y pinaglingkuran.

Read full chapter

Tinukso ng Diyablo si Jesus(A)

Pagkatapos, dinala ng Espiritu si Jesus sa ilang upang tuksuhin ng diyablo. Pagkatapos mag-ayuno ng apatnapung araw at apatnapung gabi, siya ay nagutom. Dumating ang manunukso at sinabi sa kanya, “Kung ikaw nga ang Anak ng Diyos, ipag-utos mong maging tinapay ang mga batong ito.” Ngunit sumagot si Jesus,

“Nasusulat,
    ‘Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao,
    kundi sa bawat salitang nagmumula sa bibig ng Diyos.’ ”

Kasunod nito'y dinala siya ng diyablo sa banal na lungsod at inilagay siya sa tuktok ng templo. Sinabi nito sa kanya, “Kung ikaw nga ang Anak ng Diyos, tumalon ka mula riyan, sapagkat nasusulat,

‘Uutusan niya ang kanyang mga anghel na ingatan ka,’
    at ‘Mga kamay nila sa iyo ay sasalo,
    upang ang paa mo'y hindi masaktan sa bato.’ ”

Sinabi sa kanya ni Jesus, “Nasusulat din naman, ‘Huwag mong susubukin ang Panginoon mong Diyos.’ ” Muli, dinala siya ng diyablo sa isang napakataas na bundok at ipinakita sa kanya ang lahat ng mga kaharian sa sanlibutan at ang dangal ng mga ito. Sinabi nito sa kanya, “Ibibigay ko sa iyo ang lahat ng mga ito, kung yuyukod ka at sasamba sa akin.” 10 Sumagot sa kanya si Jesus, “Layas, Satanas! Sapagkat nasusulat,

‘Ang Panginoong Diyos ang iyong sasambahin
    at siya lamang ang iyong paglilingkuran.’ ”

11 At iniwan siya ng diyablo. Dumating naman ang mga anghel at siya'y pinaglingkuran.

Read full chapter

12 At pagdaka'y itinaboy (A)siya ng Espiritu sa ilang.

13 At siya'y nasa ilang na apat na pung araw na tinutukso ni Satanas; at kasama siya ng mga ganid; at pinaglingkuran siya ng mga anghel.

Read full chapter

12 Pagkatapos ay kaagad siyang pinapunta ng Espiritu sa ilang. 13 Nanatili siya roon nang apatnapung araw habang tinutukso ni Satanas. Kasama ni Jesus doon ang mababangis na hayop at pinaglingkuran siya ng mga anghel.

Read full chapter