Add parallel Print Page Options

At sila'y nagsialis na madali sa libingan na taglay ang (A)takot at ang malaking galak, at nagsitakbo upang ibalita sa kaniyang mga alagad.

Read full chapter

Nagmamadali nga silang umalis sa libingan nang may magkahalong takot at malaking tuwa. Tumakbo sila upang magbalita sa mga alagad niya.

Read full chapter

At sila'y nagsilabas, at nagsitakas mula sa libingan; sapagka't sila'y nagsipangilabot at nangagitla: (A)at hindi sila nangagsasabi ng anoman sa kanino man; sapagka't sila'y nangatatakot.

Read full chapter

Lumabas sila ng libingan at patakbong umalis, nanginginig at litung-lito. At dahil sa matinding takot ay walang masabing anuman.

ANG MAIKLING PAGTATAPOS NI MARCOS

Sinabi ng mga babae kay Pedro at sa mga kasama nito ang lahat ng mga iniutos sa kanila. At pagkatapos, sinugo ni Jesus ang kanyang mga alagad sa buong daigdig, na ipangaral nila ang banal at di lilipas na kapahayagan ng walang hanggang kaligtasan. Amen.

Read full chapter

10 Siya'y yumaon at (A)ipinagbigay alam sa mga naging kasamahan ni Jesus, samantalang sila'y nangahahapis at nagsisitangis.

Read full chapter

10 Pinuntahan niya ang mga alagad, na noo'y nagluluksa at tumatangis, at ibinalita sa mga ito ang kanyang nakita.

Read full chapter

18 Naparoon si Maria Magdalena (A)at sinabi sa mga alagad, Nakita ko ang Panginoon; at kung paanong sinabi niya sa kaniya ang mga bagay na ito.

Read full chapter

18 Umalis si Maria Magdalena at ibinalita sa mga alagad, “Nakita ko ang Panginoon!”, at sinabi rin niya sa kanila ang bilin ni Jesus.

Read full chapter