Add parallel Print Page Options

18 At lumapit si Jesus sa kanila at sila'y kaniyang kinausap, na sinasabi, (A)Ang lahat ng kapamahalaan sa langit at sa ibabaw ng lupa ay naibigay na sa akin.

19 (B)Dahil dito magsiyaon nga kayo, (C)at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila'y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo:

20 Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo: at (D)narito, ako'y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan.

Read full chapter

18 Paglapit ni Jesus ay sinabi niya sa kanila, “Naibigay na sa akin ang lahat ng awtoridad sa langit at sa ibabaw ng lupa. 19 Kaya't (A) sa inyong paghayo ay gawin ninyong alagad ang lahat ng mga bansa, na binabautismuhan sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Banal na Espiritu, 20 at tinuturuan silang gumanap sa lahat ng mga bagay na ipinagbilin ko sa inyo. At tandaan ninyo, ako'y kasama ninyong palagi, hanggang sa katapusan ng panahon.”[a][b]

Read full chapter

Footnotes

  1. Mateo 28:20 o sanlibutan.
  2. Mateo 28:20 Sa ibang mga manuskrito ay mayroong Amen.

18 Kung paanong (A)ako'y iyong sinugo sa sanglibutan, sila'y gayon ding sinusugo ko sa sanglibutan.

Read full chapter

18 Kung paanong isinugo mo ako sa sanlibutan, isinugo ko rin sila sa sanlibutan.

Read full chapter

At (A)ang mga bagay na iyong narinig sa akin sa gitna ng maraming saksi, (B)ay siya mo ring ipagkatiwala sa mga taong tapat, na makapagtuturo naman sa mga iba.

Read full chapter

Ang mga bagay na narinig mo sa akin sa harap ng maraming saksi ay ipagkatiwala mo rin sa mga mapagkakatiwalaan at may kakayahang magturo sa iba.

Read full chapter

Kaya, mga banal na kapatid, mga may bahagi sa (A)pagtawag ng kalangitan, inyong isipin (B)ang Apostol at (C)Dakilang Saserdote na ating (D)kinikilala, si Jesus;

Read full chapter

Higit na Dakila si Jesus kay Moises

Kaya, mga kapatid kong banal, mga kabahagi sa makalangit na pagkatawag, isaalang-alang ninyo si Jesus, ang Apostol at Kataas-taasang Pari ng ating ipinapahayag.

Read full chapter