Add parallel Print Page Options

57 (A)At nang hapon na ay dumating ang isang mayamang mula sa Arimatea, na nagngangalang Jose, na ito'y naging alagad din naman ni Jesus;

58 Ang taong ito'y naparoon kay Pilato, at hiningi ang bangkay ni Jesus. Nang magkagayo'y ipinagutos ni (B)Pilato na ibigay yaon.

59 At kinuha ni Jose ang bangkay at binalot niya ng isang malinis na kayong lino,

60 At (C)inilagay sa kaniyang sariling bagong libingan, na kaniyang hinukay sa bato: at iginulong niya ang isang malaking bato sa pintuan ng libingan, at umalis.

61 At nangaroon si Maria Magdalena, at (D)ang isang Maria, at nangakaupo sa tapat ng libingan.

Read full chapter

42 At (A)nang kinahapunan, sapagka't noo'y (B)Paghahanda, sa makatuwid baga'y ang araw na nauuna sa sabbath,

43 Dumating si Jose na taga Arimatea, isang (C)kasangguni na may marangal na kalagayan, na (D)naghihintay rin naman ng kaharian ng Dios; at pinangahasan niyang pinasok si Pilato, at hiningi ang bangkay ni Jesus.

44 At nanggilalas si Pilato kung siya'y patay na: at nang mapalapit niya sa kaniya ang (E)senturion, ay itinanong niya sa kaniya kung malaon nang patay.

45 At nang matanto niya sa senturion, ay ipinagkaloob niya ang bangkay kay Jose.

46 At binili niya ang isang kayong lino, at pagkababa sa kaniya sa krus, ay binalot siya ng kayong lino at inilagay siya sa isang libingan na hinukay sa isang bato; at iginulong niya ang isang bato hanggang sa pintuan ng libingan.

47 At (F)tinitingnan ni Maria Magdalena at ni Mariang ina ni Jose kung saan siya nalagay.

Read full chapter

50 At narito ang isang lalaking (A)nagngangalang Jose, na isang kasangguni, isang lalaking mabuti at matuwid

51 (Siya'y hindi umayon sa kanilang payo at gawa), isang lalaking taga Arimatea, bayan ng mga Judio, (B)na naghihintay ng kaharian ng Dios;

52 Ang taong ito'y naparoon kay Pilato: at hiningi ang bangkay ni Jesus.

53 At ito'y ibinababa niya, at binalot ng isang kayong lino, at inilagay sa isang libingang hinukay sa bato, (C)na doo'y wala pang nalilibing.

54 At noo'y araw ng (D)Paghahanda, at nalalapit na ang sabbath.

55 At ang mga babae, (E)na nagsisama sa kaniya mula sa Galilea, ay nagsisunod, at tiningnan ang libingan, at kung paano ang pagkalagay ng kaniyang bangkay.

56 At sila'y nagsiuwi, at nangaghanda ng mga pabango at mga unguento.

At nang araw ng sabbath sila'y nangagpahinga (F)ayon sa utos.

Read full chapter