Add parallel Print Page Options

Paunang Sinabi ang Pagtatatwa ni Pedro(A)

31 Pagkatapos(B) ay sinabi ni Jesus sa kanila, “Kayong lahat ay tatalikod[a] dahil sa akin sa gabing ito; sapagkat nasusulat, ‘Sasaktan ko ang pastol, at ang mga tupa ng kawan ay magkakawatak-watak.’

32 Subalit(C) matapos na ako'y maibangon na ay mauuna ako sa inyo sa Galilea.”

33 Ngunit sumagot si Pedro at sinabi sa kanya, “Kung ang lahat man ay tumalikod dahil sa iyo, ako kailanma'y hindi tatalikod.”

34 Sinabi ni Jesus sa kanya, “Katotohanang sinasabi ko sa iyo, sa gabing ito, bago tumilaok ang manok, ay ipagkakaila mo ako ng tatlong ulit.”

35 Sinabi sa kanya ni Pedro, “Kahit kinakailangang ako'y mamatay na kasama mo, ay hindi kita ipagkakaila.” Gayundin ang sinabi ng lahat ng mga alagad.

Read full chapter

Footnotes

  1. Mateo 26:31 o matitisod .

Sinabi ni Jesus ang Pagkakaila ni Pedro(A)

31 “Simon, Simon, narito, hiningi ni Satanas na ligligin kayo gaya ng trigo,

32 subalit ako ay nanalangin para sa iyo upang ang iyong pananampalataya ay huwag mawala; kung makabalik ka nang muli, ay palakasin mo ang iyong mga kapatid.”

33 At sinabi niya sa kanya, “Panginoon, handa akong sumama sa iyo sa bilangguan at sa kamatayan.”

34 Sinabi ni Jesus,[a] “Sinasabi ko sa iyo, Pedro, ang manok ay hindi titilaok sa araw na ito hanggang hindi mo ako naipagkakaila ng tatlong ulit.”

Read full chapter

Footnotes

  1. Lucas 22:34 Sa Griyego ay niya .

Sinabi ni Jesus ang Pagkakaila ni Pedro(A)

36 Sinabi sa kanya ni Simon Pedro, “Panginoon, saan ka pupunta?” Sumagot si Jesus, “Sa pupuntahan ko ay hindi ka makakasunod sa akin ngayon; ngunit pagkatapos ay makakasunod ka.”

37 Sinabi sa kanya ni Pedro, “Panginoon, bakit hindi ako makakasunod sa iyo ngayon? Ang aking buhay ay ibibigay ko para sa iyo.”

38 Sumagot si Jesus, “Ang buhay mo ba'y ibibigay mo dahil sa akin? Katotohanang sinasabi ko sa iyo, hindi titilaok ang manok, hanggang ipagkaila mo ako ng tatlong beses.

Read full chapter