Add parallel Print Page Options

20 (A)Nang dumating nga ang gabi, (B)ay nakaupo siya sa pagkain na kasalo ang labingdalawang alagad;

21 At samantalang sila'y nagsisikain, ay sinabi niya, (C)Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na ako'y ipagkakanulo ng isa sa inyo.

22 At sila'y lubhang nangamanglaw, at nagpasimula ang bawa't isa na magsabi sa kaniya, Ako baga, Panginoon?

23 At siya'y sumagot at sinabi, (D)Yaong kasabay kong idampot ang kamay sa pinggan, ay siya ring magkakanulo sa akin.

24 (E)Ang Anak ng tao ay papanaw, (F)ayon sa nasusulat tungkol sa kaniya: datapuwa't (G)sa aba niyaong taong magkakanulo sa Anak ng tao! mabuti pa sana sa taong yaon ang hindi na siya ipinanganak.

Read full chapter

20 Kinagabihan ay umupo siyang kasalo ng labindalawa. 21 Habang sila'y kumakain ay sinabi niya, “Tinitiyak ko sa inyo, ipagkakanulo ako ng isa sa inyo.” 22 Labis nila itong ikinalungkot, at isa-isa silang nagsabi sa kanya, “Tiyak na hindi ako iyon, di po ba, Panginoon?” 23 Sumagot (A) siya ng ganito, “Ang kasabay kong nagsawsaw ng kanyang kamay sa mangkok ang magkakanulo sa akin. 24 Papanaw ang Anak ng Tao ayon sa nakasulat tungkol sa kanya, subalit kaysaklap ng sasapitin ng taong iyon na sa pamamagitan niya'y ipagkakanulo ang Anak ng Tao! Mabuti pa sanang hindi na ipinanganak ang taong iyon.”

Read full chapter