Add parallel Print Page Options

Datapuwa't ginagawa nila ang lahat ng kanilang mga gawa (A)upang mangakita ng mga tao: sapagka't nangagpapalapad sila ng kanilang mga (B)pilakteria, at nangagpapalapad ng mga (C)laylayan ng kanilang mga damit,

At iniibig ang mga pangulong dako sa mga pigingan, at ang mga pangulong luklukan sa mga sinagoga,

At pagpugayan sa mga pamilihan, at ang sila'y tawagin ng mga tao, Rabi.

Read full chapter

38 At sinabi niya sa kaniyang pagtuturo, (A)Mangagingat kayo sa mga eskriba, na ibig magsilakad na may mahahabang damit, at (B)pagpugayan sa mga pamilihan.

39 At ibig nila ang mga pangulong upuan sa mga sinagoga, at ang mga pangulong luklukan sa mga pigingan:

40 Silang nangananakmal (C)ng mga bahay ng mga babaing bao, at dinadahilan ay ang mahahabang panalangin; ang mga ito'y tatanggap ng lalong malaking kahatulan.

Read full chapter