Add parallel Print Page Options

41 Habang nangagkakatipon nga ang mga Fariseo, ay tinanong sila ni (A)Jesus ng isang tanong,

42 Na sinasabi, Ano ang akala ninyo tungkol kay Cristo? kanino bagang anak siya? Sinabi nila sa kaniya, (B)kay David.

43 Sinabi niya sa kanila, Kung gayo'y bakit tinatawag siya ni David na Panginoon, sa espiritu, na nagsasabi,

44 Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon,
(C)Maupo ka sa aking kanan,
Hanggang sa ilagay ko ang iyong mga kaaway sa ilalim ng iyong mga paa?

45 Kung tinatawag nga siya ni David na Panginoon, paanong siya'y kaniyang anak?

Read full chapter

35 (A)At sumagot si Jesus at nagsabi nang siya'y nagtuturo sa templo, Paanong masasabi ng mga eskriba na ang Cristo ay anak ni David?

36 Si David din ang nagsabi sa pamamagitan ng Espiritu Santo,

(B)Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon,
Maupo ka sa aking kanan,
Hanggang sa gawin ko ang iyong mga kaaway na tungtungan ng iyong mga paa.

37 Si David din ang tumatawag na Panginoon sa kaniya; at paano ngang siya'y kaniyang anak? At ang mga karaniwang tao ay nangakikinig sa kaniyang may galak.

Read full chapter