Add parallel Print Page Options

12 At pumasok si Jesus (A)sa templo ng Dios, at itinaboy niya ang lahat na nangagbibili at nangamimili sa templo, at ginulo niya ang mga dulang ng mga mamamalit ng salapi, at ang mga upuan ng mga nagbibili ng mga (B)kalapati;

13 At sinabi niya sa kanila, Nasusulat, (C)Ang aking bahay ay tatawaging bahay-panalanginan, (D)datapuwa't ginagawa ninyong yungib ng mga tulisan.

Read full chapter

15 At (A)nagsidating sila sa Jerusalem: at pumasok siya sa templo, at nagpasimulang kaniyang itinaboy ang nangagbibili at nagsisibili sa loob ng templo, at ginulo ang mga dulang ng nangagpapalit ng salapi, at ang mga upuan ng nangagbibili ng mga kalapati;

16 At hindi niya ipinahintulot na sinoman ay magdala ng anomang sisidlan sa templo.

17 At siya'y nagturo, at sinabi sa kanila, Hindi baga nasusulat, (B)Ang aking bahay ay tatawaging bahay-panalanginan ng lahat ng mga bansa? (C)datapuwa't ginawa ninyong yungib ng mga tulisan.

Read full chapter