Add parallel Print Page Options

21 At (A)nang malapit na sila sa Jerusalem, at magsidating sa Betfage, sa bundok ng mga Olivo, ay nagsugo nga si Jesus ng dalawang alagad,

Na sinasabi sa kanila, Magsiparoon kayo sa nayong nasa tapat ninyo, at pagdaka'y masusumpungan ninyo ang isang nakatali na babaing asno, na may kasamang isang batang asno: kalagin ninyo, at dalhin ninyo sa akin.

At kung ang sinoman ay magsabi ng anoman sa inyo, ay sasabihin ninyo, Kinakailangan sila ng Panginoon; at pagdaka'y kaniyang ipadadala sila.

(B)Nangyari nga ito, upang matupad ang sinalita sa pamamagitan ng propeta, na nagsasabi,

Sabihin ninyo sa anak na babae ng Sion:
(C)Narito, ang Hari mo'y pumaparito sa iyo,
Na maamo, at nakasakay sa isang asno,
At sa isang batang asno na anak ng babaing asno.

At nagsiparoon ang mga alagad, at ginawa ang ayon sa ipinagutos ni Jesus sa kanila,

At kanilang dinala ang babaing asno, at ang batang asno, at inilagay nila sa ibabaw ng mga ito ang kanilang mga damit; at dito siya'y sumakay.

At inilalatag sa daan ng kalakhang bahagi ng karamihan ang kanilang mga damit; at ang mga iba'y nagsiputol ng mga sanga ng mga punong kahoy, at inilalatag sa daan.

At ang mga karamihang nangasa unahan niya, at ang nagsisunod, ay nagsisigawan, na nagsisipagsabi, Hosana sa Anak ni David: (D)Mapalad ang pumaparito sa pangalan ng Panginoon: Hosana sa kataastaasan.

10 At nang pumasok si Jesus sa Jerusalem, ay nagkagulo ang (E)buong bayan, na nagsasabi, Sino kaya ito?

11 At sinabi ng mga karamihan, Ito'y (F)ang propeta, Jesus, na taga (G)Nazaret ng Galilea.

Read full chapter

Matagumpay na Pumasok si Jesus sa Jerusalem(A)

21 Nang malapit na sila sa Jerusalem at nakarating sa Betfage, sa bundok ng mga Olibo, si Jesus ay nagsugo ng dalawang alagad. Sinasabi niya sa kanila, “Pumunta kayo sa susunod na nayon, at kaagad kayong makakakita ng isang inahing asno na nakatali at may kasamang isang bisiro. Kalagan ninyo at dalhin dito sa akin. Kung may magsasabi sa inyo ng anuman, sabihin ninyo, ‘Kailangan sila ng Panginoon,’ at kaagad niyang ipapadala ang mga iyon.” Nangyari ito upang matupad ang pinahayag sa pamamagitan ng propeta, na nagsasabi,

“Sabihin (B) ninyo sa anak na babae ng Zion,
    Pagmasdan mo, ang iyong Hari ay dumarating sa iyo,
mapagpakumbaba, at nakasakay sa isang asno,
    at sa bisiro ng isang inahing asno.”

Pumunta nga ang mga alagad at ginawa kung ano ang ipinagbilin sa kanila ni Jesus. Dinala nila ang inahing asno at ang bisiro at isinapin nila sa ibabaw ng mga ito ang kanilang mga balabal. At doon ay naupo siya. Karamihan sa mga tao ay naglatag ng kanilang mga balabal sa daan, at ang iba'y pumutol ng mga sanga sa mga puno at ikinalat ang mga ito sa daan. At (C) ang napakaraming taong nauuna sa kanya pati ang mga sumusunod sa kanya ay nagsigawan, na sinasabi, “Hosanna sa Anak ni David! Pinagpala ang dumarating sa pangalan ng Panginoon! Hosanna sa kataas-taasan!” 10 Pagpasok niya sa Jerusalem ay nagkagulo sa buong lungsod. “Sino ba ang taong ito?” tanong ng mga tao. 11 Sinabi ng marami, “Siya ang propetang si Jesus, na taga-Nazareth ng Galilea.”

Read full chapter

29 At nangyari, (A)na nang siya'y malapit na sa Betfage at Betania, sa bundok na tinatawag na Olivo, ay sinugo niya ang dalawa sa kaniyang mga alagad,

30 Na sinasabi, Magsiyaon kayo sa inyong lakad sa katapat na nayon; sa pagpasok ninyo roon, ay masusumpungan ninyo ang isang nakatali na batang asno, na hindi pa nasasakyan ng sinomang tao: kalagin ninyo siya, at dalhin ninyo siya rito.

31 At kung may sinomang tumanong sa inyo, Bakit ninyo kinakalag iyan? ganito ang inyong sasabihin, Kinakailangan siya ng Panginoon.

32 At nagsiparoon ang mga sugo at nasumpungan ng ayon sa sinabi niya sa kanila.

33 At nang kinakalag nila ang batang asno, ay sinabi sa kanila ng mga may-ari niyaon, Bakit kinakalag ninyo ang batang asno?

34 At sinabi nila, Kinakailangan siya ng Panginoon.

35 At dinala nila siya kay Jesus: (B)at inilagay nila ang kanilang mga damit sa ibabaw ng batang asno, at isinakay nila si Jesus sa ibabaw noon.

36 At samantalang siya'y lumalakad, ay inilalatag nila ang kanilang mga damit sa daan.

37 At nang nalalapit siya sa libis ng bundok ng mga Olivo, ang buong karamihan ng mga alagad ay nangagpasimulang mangagkatuwa at mangagpuri sa Dios ng malakas na tinig dahil sa lahat ng mga gawang makapangyarihan na kanilang mangakita.

38 Na sinasabi, Mapalad ang Hari na pumaparito sa pangalan ng Panginoon: kapayapaan sa langit, (C)at kaluwalhatian sa kataastaasan.

Read full chapter

29 Nang malapit na siya sa Betfage at Betania, sa lugar na tinatawag na Bundok ng mga Olibo, pinauna niya ang dalawa sa mga alagad. 30 Sinabi niya sa kanila, “Pumunta kayo sa susunod na nayon. Sa pagpasok ninyo roo'y makikita ninyo ang isang batang asno na nakatali na hindi pa nasasakyan ng kahit sino. Kalagan ninyo iyon at dalhin dito. 31 Kung may magtanong sa inyo, ‘Bakit ninyo kinakalagan iyan?’ ganito ang sabihin ninyo, ‘Kailangan ito ng Panginoon.’ ” 32 Sumunod ang mga inutusan, at natagpuan nga nila ang asno ayon sa sinabi sa kanila. 33 Habang kinakalagan nila ang batang asno ay tinanong sila ng may-ari nito, “Bakit ninyo kinakalagan ang batang asno?” 34 Kaya't sinabi nila, “Kailangan ito ng Panginoon.” 35 Dinala nila ang batang asno kay Jesus at matapos ilagay sa likod nito ang kanilang mga balabal, siya ay pinasakay nila dito. 36 Samantalang siya'y nakasakay sa batang asno, inilalatag naman ng mga tao ang kanilang damit sa daan. 37 Nang malapit na siya sa daan pababa sa Bundok ng mga Olibo, ang lahat ng napakaraming mga alagad ay nagsimulang magsaya at magpuri sa Diyos nang pasigaw tungkol sa nasaksihan nilang mga kababalaghan. 38 Sinabi nila,

“Pinagpala ang Haring dumarating sa pangalan ng Panginoon!
Kapayapaan sa langit at luwalhati sa kataas-taasan.”

Read full chapter