Add parallel Print Page Options

28 At sinabi ni Jesus sa kanila, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na kayong nagsisunod sa akin, sa (A)pagbabagong lahi pagka uupo na ang Anak ng tao sa luklukan ng kaniyang kaluwalhatian, (B)kayo nama'y magsisiupo sa labingdalawang luklukan, (C)upang magsihukom sa labingdalawang angkan ng Israel.

Read full chapter

28 Sumagot (A) si Jesus sa kanila, “Tinitiyak ko sa inyo, sa panahon ng pagpapanibago ng lahat ng bagay, sa pag-upo ng Anak ng Tao sa trono ng kanyang kaluwalhatian, kayong mga sumunod sa akin ay uupo rin sa labindalawang trono bilang mga hukom sa labindalawang lipi ng Israel.

Read full chapter

29 At kayo'y inihahalal kong (A)isang kaharian, na gaya nga ng pagkahalal sa akin ng aking Ama,

30 (B)Upang kayo'y magsikain at magsiinom sa aking dulang sa kaharian ko; (C)at kayo'y magsisiupo sa mga luklukan, na inyong huhukuman ang labingdalawang angkan ni Israel.

Read full chapter

29 At inilalaan ko sa inyo ang isang kaharian, kung paano rin inilaan ng Ama ang isang kaharian para sa akin, 30 upang kayo'y makakain at makainom sa aking hapag sa aking kaharian. At mauupo kayo sa mga trono bilang mga hukom sa labindalawang lipi ng Israel.”

Read full chapter

O hindi baga ninyo nalalaman na (A)ang mga banal ay magsisihatol sa sanglibutan? at kung ang sanglibutan ay hahatulan ninyo, hindi kaya baga dapat magsihatol kayo sa mga bagay na pinakamaliit?

Read full chapter

Hindi ba ninyo nalalaman na ang mga hinirang ng Diyos ang hahatol sa sanlibutan? At kung ang sanlibutan ay hahatulan sa pamamagitan ninyo, hindi ba ninyo kayang humatol sa napakaliliit na bagay?

Read full chapter

21 Ang magtagumpay, (A)ay aking pagkakaloobang umupong kasama ko sa aking luklukan, gaya ko naman na (B)nagtagumpay, at umupong kasama ng aking Ama sa kaniyang luklukan.

Read full chapter

21 Ang nagtatagumpay ay bibigyan ko ng karapatang makasama ko sa aking trono, kung paanong nagtagumpay ako at umupo kasama ng aking Ama sa kanyang trono.

Read full chapter

At nakakita ako ng mga (A)luklukan, at may mga nagsisiluklok sa mga ito, (B)sila'y pinagkalooban ng paghatol: at nakita ko (C)ang mga kaluluwa ng mga pinugutan ng ulo dahil sa patotoo ni Jesus, at dahil sa salita ng Dios, at (D)ang mga hindi sumamba sa hayop, o sa (E)kaniyang larawan man, at hindi tumanggap ng tanda sa kanilang noo at sa kanilang kamay; at sila'y nangabuhay, at (F)nagsipagharing kasama ni Cristo sa loob ng isang libong taon.

Read full chapter

Pagkatapos, (A) nakakita ako ng mga trono, at ang mga nakaupo roon ay binigyan ng kapangyarihang humatol. Nakita ko rin ang mga kaluluwa ng mga pinugutan ng ulo dahil sa kanilang patotoo para kay Jesus at paghahayag ng salita ng Diyos. Hindi sila sumamba sa halimaw o kaya'y sa larawan nito at hindi sila tumanggap ng tatak nito sa kanilang mga noo o mga kamay. Nabuhay sila at nagharing kasama ni Cristo sa loob ng sanlibong taon.

Read full chapter