Add parallel Print Page Options

Sa aba ng sanglibutan dahil sa mga kadahilanan ng pagkatisod! sapagka't kinakailangang dumating ang mga kadahilanan; datapuwa't sa aba ng taong yaong panggalingan ng kadahilanan!

Read full chapter

Kaysaklap ng sasapitin ng sanlibutan dahil sa mga sanhi ng pagkakasala! Sadya namang darating ang mga sanhi ng pagkakasala. Subalit kay saklap ng sasapitin ng taong pinanggagalingan ng mga sanhi ng pagkakasala!

Read full chapter

Nguni't hayag na (A)sinasabi ng Espiritu, na (B)sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga (C)espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio,

Sa pamamagitan ng pagpapaimbabaw ng mga tao na nagsisipagsalita ng mga kasinungalingan, (D)na hinerohan ang kanilang mga sariling budhi ng waring bakal na nagbabaga;

Read full chapter

Babala tungkol sa Pagtalikod

Maliwanag na sinasabi ng Espiritu na sa mga huling araw ay iiwan ng iba ang pananampalataya at susunod sa mga mapanlinlang na espiritu at mga turo ng mga demonyo. Ang mga katuruang ito ay pinalalaganap ng mga taong mapagkunwari, sinungaling at may manhid na budhi.

Read full chapter

Nguni't may nagsilitaw din naman sa bayan na (A)mga bulaang propeta, na (B)gaya naman sa inyo'y magkakaroon ng mga bulaang guro, na mangagpapasok sa lihim (C)ng mga makakapahamak na mga hiduwang pananampalataya, na itatatuwa pati (D)ang Panginoon (E)na bumili sa kanila, na mangagtataglay sa kanilang sarili ng madaling pagkapahamak.

At maraming magsisisunod sa kanilang mga gawang mahahalay; na dahil sa kanila ay pagsasalitaan ng masama ang (F)daan ng katotohanan.

Read full chapter

Mga Huwad na Propeta

Ngunit noo'y may lumitaw ring mga huwad na propeta sa gitna ng sambayanan, kung paanong sa gitna ninyo'y lilitaw din ang mga bulaang guro. Palihim silang magpapasok ng mga maling aral na makapipinsala sa inyong pananampalataya. Itatakwil nila pati na ang Panginoong tumubos sa kanila, kaya't ito ang magdadala sa kanila ng mabilis na pagkapuksa. At marami ang susunod sa kanilang mga gawang mahahalay, at dahil sa mga ito ay hahamakin ang daan ng katotohanan.

Read full chapter