Add parallel Print Page Options

15 At (A)kung magkasala laban sa iyo ang kapatid mo, pumaroon ka, at ipakilala mo sa kaniya ang kaniyang kasalanan na ikaw at siyang magisa: kung ikaw ay pakinggan niya, ay (B)nagwagi ka sa iyong kapatid.

Read full chapter

Kung Magkasala ang Isang Kapatid

15 “Kung (A) magkasala sa iyo ang iyong kapatid, puntahan mo siya at pagsabihan mo tungkol sa kanyang pagkakamali. Gawin mo ito na kayong dalawa lamang. Kung siya'y makinig sa iyo, napanumbalik mo na ang iyong kapatid.

Read full chapter

Mangagingat kayo sa inyong sarili: (A)kung magkasala ang iyong kapatid, (B)sawayin mo siya; at kung siya'y magsisi, patawarin mo siya.

Read full chapter

Kaya't mag-ingat kayo! Kung magkasala sa iyo ang kapatid mo, sawayin mo siya, at kung siya ay magsisi, patawarin mo siya.

Read full chapter

Mga kapatid, (A)kung ang sinoman ay masumpungan sa anomang pagsuway, kayong (B)mga sa espiritu, ay inyong papanumbalikin ang gayon sa (C)espiritu ng kahinhinan; na iyong pagwariin ang iyong sarili, baka ikaw naman ay matukso.

Read full chapter

Ang Pagtutulungan

Mga kapatid, kung mayroon sa inyong mahulog sa pagkakasala, kayong mga espirituwal ang dapat na mahinahong magtuwid sa kanya. At mag-ingat kayo, baka kayo naman ang matukso.

Read full chapter