Add parallel Print Page Options

18 At sinasabi ko naman sa iyo, na (A)ikaw ay Pedro, at (B)sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at (C)ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.

Read full chapter

18 At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro,[a] at sa ibabaw ng batong[b] ito ay itatayo ko ang aking iglesya at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magtatagumpay laban sa kanya.

Read full chapter

Footnotes

  1. Mateo 16:18 Sa Griyego, Petros.
  2. Mateo 16:18 Sa Griyego, Petra.

Sa pangalan ng ating Panginoong Jesus, nang nangagkakatipon kayo, at ang aking espiritu, (A)na taglay ang kapangyarihan ng ating Panginoong Jesus,

Upang ang ganyan ay ibigay (B)kay Satanas sa ikawawasak ng kaniyang laman, upang ang espiritu ay maligtas sa (C)araw ng Panginoong Jesus.

Read full chapter

Kapag kayo ay nagkakatipon kasama ang aking espiritu na taglay ang kapangyarihan ng ating Panginoong Jesus, sa pangalan ng ating Panginoong Jesus, ibigay ninyo ang ganyang tao kay Satanas para sa ikawawasak ng laman, upang ang kanyang espiritu ay maligtas sa araw ng Panginoong Jesus.

Read full chapter

Nangangahas baga ang sinoman sa inyo, kung mayroong anomang bagay laban sa iba, na siya'y magsakdal sa harapan ng mga liko, at (A)hindi sa harapan ng mga banal?

O hindi baga ninyo nalalaman na (B)ang mga banal ay magsisihatol sa sanglibutan? at kung ang sanglibutan ay hahatulan ninyo, hindi kaya baga dapat magsihatol kayo sa mga bagay na pinakamaliit?

Hindi baga ninyo nalalaman na ating (C)hahatulan ang mga anghel? gaano pa kaya ang mga bagay na nauukol (D)sa buhay na ito?

Kung kayo nga'y mayroong usapin na mga bagay na nauukol sa buhay na ito, ilalagay baga ninyo upang magsihatol ang mga taong walang halaga sa iglesia?

Sinasabi ko ito (E)upang mangahiya kayo. Ano, diyata't wala baga sa inyo na isa mang marunong na makapagpapayo sa kaniyang mga kapatid,

Kundi ang kapatid ay nakikipagusapin laban sa kapatid, at ito'y sa harapan ng mga hindi nagsisipanampalataya?

Read full chapter

Tungkol sa Pagsasakdal Laban sa Kapatid

Kapag sinuman sa inyo na may usapin laban sa isang kapatid, nangangahas ba siya na magsakdal sa harapan ng mga di-matuwid at hindi sa harapan ng mga hinirang ng Diyos? Hindi ba ninyo nalalaman na ang mga hinirang ng Diyos ang hahatol sa sanlibutan? At kung ang sanlibutan ay hahatulan sa pamamagitan ninyo, hindi ba ninyo kayang humatol sa napakaliliit na bagay? Hindi ba ninyo nalalaman na tayo ang hahatol sa mga anghel? Gaano pa kaya ang mga bagay tungkol sa buhay na ito? Kung kayo'y may mga usaping may kinalaman sa pang-araw-araw na buhay na ito, itinatalaga ba ninyong hukom ang mga taong hindi naman kinikilala ng iglesya? Sinasabi ko ito upang mapahiya kayo. Wala ba ni isang marunong diyan sa inyo na maaaring magpasya sa usapin ng mga magkakapatid? Sa halip, may kapatid na nagsasakdal laban sa kapatid, at sa harapan pa ng mga hindi mananampalataya!

Read full chapter